Chapter 18 part 1

6.4K 85 19
                                    

Pasensya na po kung natagalan yung update.

Chapter 18 (part 1)

SKY'S POV

Nagkaklase na si ma'am. Grr. Di ako mapakali. Pano ba naman eh magkatabi si Cheska at si Warren. Sino si Warren? Dating boyfriend ni Eunice bago naging kami ni Eunice. Yeah. Sinubukan niyang agawin sakin si Eunice dati pero syempre di sya nagtagumpay don. Pshh. Kailangan ko syang bantayan. Baka mamaya maagaw pa niya sakin si Cheska. >:( di ako makakapayag don!

Ang pinakanakakaasar pa sa lahat. Nasa may unahan ko sila. Nasa unahan ni ryan. Kitang kita ko tuloy ung ginagawa nung dalawa. May teacher sa unahan oh!! Di ba nila napapansin? Grrr.. Mukha atang close na sila a! Sige na. Kayo na ang close!!! Arrgghh!

Potek naman o! Nagseselos ba ko! Aaaarrgghh!

Nakukulitan na rin ako dito sa babaeng katabi ko. Hiniram ballpen ko. Humingi ng papel. Ang daming hinihingi. Kulang nalang hingin narin niya pati brief ko eh. Pssh. Syempre. Abot nalang ako ng abot sa kanya ng hinihiram niya sakin. Pero di ako natingin sa kanya. Kala cheska ako nakatingin. Grr..

Binuksan ko yung notebook ko. Sinulatan ko ung isang page nun. Pinilas ko tapos nilukot ko yung papel. Nanggigigil ako! Damn! Wala naman silang ginagawang dapat kong pagselosan ah. Bat ganito nararamdaman ko? Normal lang ba to??

Nababaliw na ko!!!!

Cheska's Pov

wala akong makita na vacant seat.

Napatingin ako dun kung saan nakaupo sila Sky. Kausap niya yung bago ring transfer. Mukhang inalok ata ni Sky si Kim na maupo sa tabi niya ah. Psshh! Edi magtabi sila. Paki ko ba! Di ba! Tsaka ayaw ko namang umupo dun eh. Siguradong pagtitripan lang ako ng tatlong yun.

May vacant seat dun sa medyo unahan ng seat ni sky. May nakaupo na lalaki na nagbabasa ng libro.

"May nakaupo ba dito?" -cheska

tiningnan niya yung seat tapos tumingin siya sakin.

"wala.." sabi niya tapos ngumiti siya.

Gash!!! Ang gwapo niya!! Nadagdagan pa yung pagkagwapo niya nung ngumiti siya. Lumabas ung dimples nia. Ang cute! Shet!! Shet! Gaaah! >///

"P-pwede bang dito nalang a-ako ma-maupo?" nauutal kong sabi

"sure.." -warren

Shet!! Inlababo na ata ako! Gosh! Teka. Teka. Mali to! Nakakita lang ako ng gwapo nagkakaganito na agad ako! Mali to! Waahh! Pero anong magagawa ko! Babae ako! Normal lang na magkagusto ako sa mga gwapo! Gaaah! =">

naupo na ko sa tabi niya. Napansin ko na sinara na niya ung librong hawak niya tapos humarap siya sakin ng nakangiti.

"b-bakit?" -cheska

"wala lang. Ang ganda mo kasi eh.." tapos ngumiti na naman sya.

"salamat.." -cheska >///

Gosh! I feel heaven!! Waaahh! Mababaliw na ata ako!!! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagwapong nilalang sa buong buhay ko!! >///

teka. Parang may iba pang nakatingin sakin ah.. Pagkatingin ko sa likod. Gaaah! Nakakatakot ung mata ni Sky. Hala! Problema ba nung lalaking yun?? Tumingin ako kila tristan at kevin. Natawa yung dalawa tapos nagsign sila na parang sinasabi na lagot ako! Oh! Bat naman ako malalagot? Ano bang ginawa ko?? Hmp! Bahala nga sila sa buhay nila. Basta ako masaya kasi may katabi akong gwapo! Whahahaha!! Ang swerte ko!

...

Vote and comment! XD I posted a new story entitled The Babysitter..Sana basahin niyo rin yun! SALAMAT!

Sleepless Nights Season 1 and Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon