Chapter 1: Reunion

4.9K 66 6
                                    

Chapter 1: Reunion

“ANO PA ANG nasa schedule ko for today?” tanong ni Mika sa manager slash boyfriend niyang si Marc habang nasa loob sila ng van. Kakatapos lang ng taping nila sa isang lugar sa Batangas at pauwi na sila sa Makati kung saan siya nakatira.

“Well, it is your free day! Ang alam ko, binlock mo lahat ng schedules mo sana for this day dahil may lakad ka,” sagot nito.

Nagtataka siya. May lakad siya sa araw na ‘yon? Bigla niyang nakalimutan kung bakit nga ba niya ginawa iyon. Just then, she remembered na may mini-reunion sila ng class nila noong 4th year highschool. It is just a small reunion at a restaurant na planado na two months ago.

“May reunion kami ng class namin nina Zeke mamayang gabi. Ayoko lang magmukhang stressed so gusto ko munang magpahinga today,” pagkekwento niya. “Ah, wait! H’wag mo na pala balakin na sumama because I will not let you come with me,” pahabol niya.

“Why not? Boyfriend mo naman ako, ah? Manager mo din ako. P’wede mong idahilan ‘yon for bringing me with you,”

“No, Marc! Ano ka ba? That’s a reunion, okay? Hindi ka welcome do’n. Isa pa, ayoko na binabantayan mo ako. How can I enjoy if nandoon ka?” naaasar na sinabi niya.

“Bakit? May kalokohan ka ba na gagawin? Nandoon si Zeke, ‘di ba?”

She rolled her eyes. “Oh, please! Tigilan mo na nga ako sa kakaselos mo na ‘yan! Masyado ka’ng clingy and seloso, nakakasawa na!”

“I’m just protecting you, Mika! I don’t want to lose you, that’s why I’m doing this,” sagot nito sa mahinahong boses.

“Yeah, whatever! Nakakasakal na ang ginagawa mo, eh. You don’t want to lose me? Sa ginagawa mo, mas lalo akong mawawala sa’yo. H’wag mo na nga muna ‘ko kausapin, nababadtrip lang ako sa’yo.”

Nanahimik na lang ito matapos ng mga sinabi niya. Asar na asar na naman siya dahil sa ginagawa nito kaya pumikit na muna siya at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. They’ve been together for 11 months at malapit na ang anniversary nila but seeing how Marc handles their relationship, napapagod na siya. Matagal na rin silang mag-on kaya naman nasasayangan siya sa relationship nila if it will just end kaya naman sinusubukan niya pa rin but she’s reaching her limit soon.

Masyado itong mahigpit sa kanya, seloso at gusto nito ay palagi silang magkasama even sa mga lakad niya na wala namang connection sa trabaho niya. ‘Yon pa naman ang mga bagay na ayaw niya. Marc is okay as a manager and friend to her pero she didn’t expect na hindi pala magwowork kung papasok sila sa isang relationship. Well, Marc is mature enough to handle her as a talent pero pagdating sa pagiging boyfriend nito, immature pa pala ito. Hindi niya rin naman magawang sisihin ito dahil mas bata ang pinatulan niya.

They’ve been hiding their relationship para sa career niya. Ayaw na rin kasi nila na maging issue na pumatol siya sa manager niya and at the same time, mas bata ito sa kanya ng tatlong taon. Well, age really does matter to her pero dahil mukhang okay sila nito, she decided to give him a chance but being in a relationship with him is different from what she expected. Hindi niya naman ito talagang mahal. Well, she can say na gusto niya ito as a person pero hindi niya pa nagagawang mahalin ito like what she did with Zeke and Gab which makes it all wrong. In the first place, hindi niya dapat ito pinatulan dahil hindi niya ito mahal. Now, it is harder for her na bitawan ito since hindi niya alam kung ano ang pwedeng mangyari dito knowing that Marc is madly in love with her.

“Look, I’m sorry Mika,” he said as he hold her hand. “Hindi ko naman sinasadya, eh. Nag-aalala lang naman ako para sa’yo. H’wag ka na magalit sa’kin, oh.”

Played by Fate (Game of Love side story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon