Chapter 3: Anniversary Date

1.6K 34 2
                                    

Chapter 3: Anniversary Date

EVERYTHING IS SET at kung may hindi pa handa, si Mika na lang iyon. She had prepared everything for their anniversary date. Ngayon na ang sort of “Judgment Day” para sa kanilang dalawa ni Marc. She doesn’t even know what to say or what are the right words to say. Kahit naman boyfriend niya ito ay manager niya pa rin naman ito and she respect him for that.

She’s been weighing all of the consequences sa mga actions na p’wede niyang gawin. If she will end her relationship ni Marc, imposible naman na hindi maapektuhan ang trabaho niya. She doesn’t even know how Marc may react although she is aware na alam naman nito ang current situation nila. If she will keep their relationship naman, maaapektuhan pa rin ang trabaho niya lalo na’t hindi rin naman sila magkasundo nito. Nahahaluan na kasi ng personal emotions ang trabaho niya. Now, hindi niya na alam ang gagawin. Pero ang alam niya, gusto niya ng itigil ang kung ano man na mayroon sila.

Kagaya ng usapan nila ni Zeke, it will hurt him more kung patatagalin niya pa ang relationship nila and in the first place, hindi niya rin naman ito talagang mahal. These past few days made her realize na hirap siya kapag wala si Marc. Nalaman niya na talagang nakasanayan niya na lang na palagi itong nasa tabi niya.

Napatingin siya sa phone niya nang umilaw iyon. She got a text from Marc.

I’m here. I’ll be waiting for you.

Huminga siya ng malalim. Kanina pa siya nasa restaurant na ‘yon at nasa loob lang siya ng CR. Now, kailangan niya na talaga itong harapin. Lumabas siya sa loob ng CR na ‘yon at dumeretso sa isang private room sa restaurant na ‘yon kung saan sila magkikita ni Marc. Sinadya niya na sarado iyon at walang ibang makakakita sa kanila para maka-iwas sa iba na pupuwedeng makakita sa kanila. As soon as nakapasok siya doon ay sinalubong na siya ni Marc na may hawak hawak na bouquet ng flowers.

“Happy anniversary, babe,” nakangiting bati nito at hahalik pa sana sa labi niya pero agad na iniwasan niya at imbis ay humalik na lang siya sa pisngi nito.

“Happy anniversary,” sagot niya.

Hindi na siya nagpatulong dito sa paghila ng upuan niya at mag-isa na lang siya na umupo. Hindi niya alam kung sadyang awkward lang ba sila o siya lang ang awkward sa kanilang dalawa.

“Thank you pala dito sa flowers,” she said smiling. “The dinner will be served in a while.”

“How are you? Kamusta ang shoot kanina?” tanong nito sa kanya.

Marc is not by her side during the past few days. Laging may naka-substitute para mag-act as manager niya kaya naman hindi niya rin nakikita or nakakausap si Marc. Just like what she asked for, binigyan nga siya nito ng space. That’s how she realized din na nakasanayan niya na kasama ito. Sa tagal na si Marc ang manager niya ay nakasanayan niya na ang company nito plus they are also friends and not just a manager-talent relationship.

“Okay lang. It is tiring, as usual pero it would’ve been better if you were there. Hindi naman kasi kami close nung sub mo, eh,” pagkukuwento niya. “Maiba lang, can we just talk about us? That’s the reason why we are here, ‘di ba?”

“Mika, can we do it later? Let’s just enjoy this night. Mahaba-haba pa ang gabi. Pag-usapan na lang natin after the dinner.”

She just nod and smiled at him. Nakikita niya ang lungkot sa mga mata ng boyfriend and she knows he is hurting. She also feel the same way for him. The very reason kaya niya naman  kailangang gawin ang dapat niyang gawin ay para hindi na ito mas masaktan pa.

May kumatok sa pinto at nang bumukas iyon ay pumasok ang waiter na may dalang food tray at inihanda sa table ang pagkain para sa kanilang dalawa mula sa appetizer hanggang sa dessert kagaya ng hiniling ni Mika. Ayaw niya na maistorbo sila sa kung ano man ang pag-uusap na gagawin nila at baka may iba pa’ng makahalata sa kanila. Nang iwan sila nito ay tahimik lang silang kumain.

Played by Fate (Game of Love side story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon