and in you I found

1K 130 6
                                    


"I'm working on it Sir. Please give me atleast three days. I'm sorry again for the delay."

Mr. Ruiz has been calling constantly to ask for an update of his forest background wall.


Nang mailapag ni Amadea ang telepono ay agad itong napahilot ng sintido. Ilang araw na silang naghahanap ng pintor pero hanggang ngayon ay wala siyang maisagot sa may-ari.


"I'm sorry Ma'am. 'Yong ni-refer po sa atin ay baka next week pa tayo mapuntahan. May project din po kasi sila sa Aeropark." Paliwanag ng Secretary niya pagkatapos iabot ang dokumento.


"Okay." Kasabay ng salitang iyon ay isang mahabang hininga.

"Next time ayoko nang marinig ang sorry. Gawan agad natin ng paraan. Kumusta pala ang mga tao natin sa Alabang?"


"Uh..." Her Secretary is somewhat hesitant seeing that Amadea is not in the mood for bad news but she still chose to tell her anyway.

"May mga kailangan pa pong i-retouch sa cabinets especially po sa Masters. I-send ko po sainyo ang pictures na kailangan natin i-rectify."


"Malulugi na tayo sa Alabang. Why do we keep on coming back? Sana sa first day palang naayos na agad para mabawasan naman ang nasa punch list natin." May diin niyang balik.



"Yes Ma'am. Natagalan po kasi sila sa installation ng pocket doors kaya hindi po agad nagawa. Pero I'll make sure po na matatapos 'yon today including the repaint."



Naisipan ni Amadea na lumabas muna ng opisina at tumungo sa Esperanza's. She's expecting that Luntian is gonna be there. Sa labas palang ay sinilip niya na agad sa may bintana kung naroon ba ang dilag.


To her disappointment, Lian is not there. Napatingin tuloy ito sa relo at napansing sakto lang ang dating niya. Gayon pa man, tumungo pa rin siya sa loob at tinanong ang Ginang.


"Nakapagtataka nga kasi wala siya ngayon." Sagot ng huli.

And Amadea knew it as well. Sa ilang linggo niyang pagmamasid sa dilag, walang araw na hindi ito na-late sa pinupuntahan. If there's any, she admired Lian's punctuality.


Naisipan ni Amadea na baka nagpapakain na ito ng mga asong pagala-gala. Before she left the cafe, she decided to take-out what she had order.



It was almost one in the afternoon when Amadea finally reached the exact place. Naroon na ang tatlong aso pero wala pa rin si Luntian. Naghintay ito ng halos labing-limang minuto hanggang sa napag-desisyunang lumabas ng sasakyan para lapitan ang mga ito.


As she's getting nearer, it melts her heart when they all wagged their tails as if they recognized her. Naisip din ni Amadea na baka nagugutom na ang mga ito at inakalang siya ang magpapakain.


With this thought in mind, hindi na siya nagdalawang-isip pa na ipamigay nalang ang para sa kanya. Katulad ng ginagawa ni Luntian, hinati niya sa tatlo ang dalang pagkain at binigyan din ng tubig na maiinom.

The Whispers of Something FamiliarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon