Chapter 7

975 23 0
                                    

"What is your problem, man?"

Hindi nilingon ni Elmo si Maken o Mark Kenneth. Nasa isang bar sila sa Ortigas at umiinom. Maken was also a Lollipop Boy. Ngayon ay songwriter, composer at arranger na ito. Mas pinili nito ang magtrabaho sa likod ng limelight mula noong magkawatak-watak na silang Lollipop Boys. Kahit na nagkahiwa-hiwalay na sila ng mga landas, magkakaibigang matalik pa rin silang lima.

"Si Julie," sagot niya sa tanong nito.

"How's she? Parang ayokong maniwala na siya ang dahilan kung bakit masama ang timpla mo mula pa kanina. Julie is the most adorable creature in the world. Nag-away ba kayo?"

Tumango siya bago niya inisang lagok ang alak na nsa baso niya. Dalawang araw na silang hindi naguusap ni Julie. Hindi nabawasan ang inis niya rito, bagkus ay lalong lumalago ito.

"You wanna talk about it?"

Ikinuwento niya rito ang buong pangyayari. Tila nagulat ito sa narinig mula sa kanya.

"She is willing to show her flesh?" manghang tanong nito.

"Surprisingly, yes."

"Seriously? Our sweet Julie?"

Tumango siya. Saglit na tila nag-isip ito bago nagkibit balikat. "Maybe she wants change."

Bumuntong hininga siya. "She said she wanted to do something different. I would never ever, ever let her do it."

Tinapik siya nito sa balikat. "Remember the very first time you were offered to do an indie film? Iyong kontrabida ang role?"

Hindi siya kumibo. Parang alam na niya ang nais nitong tumbukin.

"Ayaw kang payagan noon ni Tita Angie. Masisisra daw ang imahe mo. You're the ultimate leading man. You always play the good guy. Sabi ng mga fans mo hindi bagay sa'yo ang maging kontrabida. Sumige ka pa rin. You grew your hair. Hindi ka nag-ahit ng balbas. Everyone was convinced that you made the biggest mistake in your acting career. Pero ano ang naging bunga niyon? The film went international. You won an award in France. You became the Philippines' pride. Ang sabi mo noon, matatawag mo na ang sarili mong mahusay na actor."

"Are you saying that I should just let her?"

"No. Im just saying that you should trust her. Julie isn't a kid anymore. Siyempre, marami siyang mga bagay na nais subukan. Marami pa siyang nais patunayan sa sarili niya at sa ibang tao."

Natahimik siya. May punto ang mga sinabi nito ngunit ayaw pumayag ng sistema niya. Ayaw niya talaga.

"I don't want men fantasizing about her, okay?" biglang naibulalas niya. "I can't even stand the thought of it."

Napailing ito. "Di lumabas din ang totoo."

"I just want the best for her. This movie is not the best for her career, for her reputation as a decent woman."

"Ayaw mong maibilad ang katawan niya sa mga kalalakihan. Tell me, is that your-so-called brotherly love or is it something else already?"

Hindi makapaniwalang napatingin siya rito. "What did you just say?"

Makahulugang tumingin ito sa kanya. "You know what? Sometimes, you do things a man don't ussually do for a female friend."

Huminga siya ng malalim. "She is special, Maken. Alam nyo naman yan diba? I can't let her do this."

"Kaibigan ka lang. Kung talagang gusto niya, ba't hindi mo siya hayaan? If this is really a mistake, let her learn from it. Let her break out into her box and explore the showbiz world."

Tuluyan na siyang nanahimik. Masusi niyang pinag-isipan ang mga sinabi nito. Ang akala niya ay hindi siya tipikal tulad ng ibang mga lalaki. Ang akala niya ay malawak ang pag-iisip niya. Ang akala niya ay modern na siyang mag-isip. Naiiba pala ang pagkatao niya kapag kasali sa usapan si Julie.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon