Chapter 3

1.4K 27 1
                                    

"Hey, what are you doing here?" masayang bati ni Julie kay Elmo. Nadatnan niya ito sa opisina ni John Robert sa Sounds, record label kung saan sila nakakontrata ni Elmo. Elmo became a solo singer when his group disbanded.

John Robert  was also a Lollipop Boy. Itinatag nito ang Sounds nang magkawatak -watak ang Lollipop Boys. Ang alam niya ay may maliit na share doon ang iba pang mga miyembro.

"Im visiting Rob," tugon nito. "Off ko ngayong araw. Hindi ba sinabi ni Tita Angie sa 'yo?"

Umiling siya. "Nasa labas si Tita, may kinakausap sandali. Nandito kami para i-discuss ang promotion ng bagong album ko. "Umupo siya sa tabi nito. "Musta?"

Pinisil nito ang tungki ng maliit niyang ilong. "Okay kang. 'Kaw?"

Pilit na inalis niya ang kamay nito sa ilong niya. Nalukot ang mukha niya nang guluhin nito ang buhok niya. "When will you stop doing that? Im not a kid anymore."

"You look like a kid to me." natatawang tugon nito.

Lalo siyang napasimangot. Mula noon hanggang ngayon, bata pa rin ang turing nito sa kanya. Tila hindi na sitya lumaki sa paningin nito.

Bago pa man siya makapagsalita ay pumasok na sa opisina sina John Robert at Tita Angie. Kapwa nakangiti ang dalawa.

"Nagkukulitan na naman kayo," ani John Robert habang nauupo sa silya nito.

"Ang tatanda na ninyo" sabi sa kanila ni Tita Angie.

Tumayo si Elmo  at hinagkan ito sa pisngi. "Hi, Tita. Kinukumusta lang po namin ang isat isa."

"Parang last week lang kayo nagkita ah." tugon ng manager nila.

Bumalik sa tabi niya si Elmo. Nanggigigil na niyakap siya niyo. "Na-miss ko po tong kapatid q eh.:

Pinigil niya ang lalo pang pagkalukot ng mukha niya. She hated it when she he treataed her like a sister. She hated it ehen she haf to pretend that he was a brother to her. Mula't sapol ay hindi niya ito itinuring na kapatid. Isang dekada na siyang lihim na umiibig dito.

Mula noong unang masilayan ng mga mata niya anh commercial nito sa TV ay nagustuhan na niya ito. Kaya naman tuwang tuwa siya nang alukin siya ni Tita Angie na maging alaga nito. Alam niyang ito rin ang manager ng Lollipop Boys. Siguro, bikod sa utang ng pamilya, may kinalaman din si Elmo sa pagpasok niya sa showbiz. She wanted to reach him somehow.

Kulang na lang ay mahwala siya aa sobrang kaligayan nang malaman niyang makakatambal niya ito sa pinakauna niyang labas sa telebisyon noon. It was a dream come true and more. Pigil pigil niya ang sariling mag-swoon nang makilala niya ito sa uang pagkakataon. Higit na makisig ito sa personal. Napakabait pa nito.

Alagang alaga siya nito sa sa tuwing may shooting sila. Palagi itong may nakahandang sweet smile para sa kanya. Kilig na kilig siya tuwina. Ngunit unti untinh nawala ang kasiyahan niya nang tila ituring siya nitong kapatid. Sa mga intetview ay lagi nitong sinasabi na "sister" siya nito. Nakigaya na rin siya kahit na labag na labag sa kalooban niya. He was her "brother" in showbiz.

For the past years, she had boyfriends: isang showbiz personality at isang nonshowbiz. She loved them but not the way she loved Elmo. Nakipagkalas siya sa mga ito nang mapagtanto niyang hindi mapapalitan ng nga ito si Elmo sa puso niya.

She had no idea what to do anymore witj her feelings. Tila habang tumatsgak ay lalong lumalago ang pag-ibig niya rito. Parang nais na niyang magtapat dito, parang gusto na niyang siya ang manligaw.

But she could not risk the beautiful friendship they had. Napakatagal nilang inalagaan iyon. Dahil dito kaya malapit siya rito. Alam niya, bukod sa kanya, walang ibang babae na nakalapit nang husto kay Elmo. Nais niyang papaniwalain ang sarili niyang kakaiba siya sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay nito. Espesyal sya, alam nya.

Natutunan na niyang pakibagayan ang matinding selos na nadarama niya sa lahat ng naging leading ladies nito. Natuto na siyang magtimpi tuwing mapapanood niya ito sa telebisyon na may intimate scenes kasama ng mga kapareha nito. It was pary of their job. Siya man ay nay mga ganoon ding eksena.

Natutuhan na rin niyang ngitian at kaibiganin ang ilang babaeng nagsusubok na bihagin ang puso nito. "Keep your friends close, and your enemies closer" sabi nga sa pelikulang The Godfather II. Natuto na rin siyang magpigil ng mga luha tuwing malalaman niyang may nobya ito.

Napabuntong hininga siya. Kailan ba siya nito mamahalin nang higit pa sa isang kaibigan at kapatid. Kailan nito mapapansing hindi na siya bata? Hanggang kaioan siya aasa na puwedeng maging sila?

Maraming pagkakataon sa loob ng isang dekada na sinubukan na niyang sumuko sa pagmamahak dito. Napakaraming pagkakataon na inakala niyang kaya niya. Hindi pala. Habang buhau na yata siyang magmamahal dito nang lihim. Habang buhay na yata siyang aasa na mamahalin din siya nito katulad ng paraan ng pagmamahal niya rito.

Medyo hindi pa tin maganda ang pakiramdam niya kahit pa nag-uumpisa na si John Robert sa pagpapaliwanang ng mga promotional strategies na gagawin nila para sa palabas na album niya.

Si Elmo ay tahimik lang sa isang tabi. She looked at him. He was within her reach, yet he seemed so far away.

Getting RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon