Chapter Three

102K 2.2K 197
                                    

Chapter Three

            “Nag-away ba kayo ni kuya?” nag-aalalang tanong ni Renz sa kanya ng maglunch sila ng sabay.

            “No.”

            “Bakit feeling ko iniiwasan mo siya?”

            Tiningnan lang niya ito.  “Hindi ko siya iniiwasan hindi lang talaga kami friends.” Palusot niya dito.

            “Bakit kapag si kuya ang pinag-uusapan ay parang gusto mong ichange ang topic. Ano ba ang nangyari?”

            Napatingin siya kay Renz, she is her bestfriend pero kapatid din nito si Jair. “Don’t worry hindi kami masyadong close ni kuya alam mo naman na six years ang gap namin.”

            Kahit sabihin na hindi ito close sa kapatid nito she can still see how protective Jair is towards Renz. “Kapag nagkakausap nga kami ni kuya palagi niyang tinatanong ang tungkol sa iyo nakakapagduda na nga.”

            “Duda?”

            “Yup, I have this strong feeling na may gusto si kuya sa iyo.” Napatawa siyang bigla sa sinabi nito. Si Jair may gusto sa kanya? Yup, gusto nga siya gusto siyang asarin. “Bakit ka natatawa? Totoo naman ang observations ko ah.

            “Kung gusto niya ako hindi niya ako papaiyakin dahil nagsumbong siya kina mommy about the driving incident. Kung gusto niya ako hindi siya makikipaglandian sa iba hindi ba at sa halip ay maghihintay siya. He needs to reserve himself for me pero alam naman na natin na impossible iyon.”

            “Asus, as if naman hindi ka nagseselos kapag may kasamang bagong girlfriend si kuya.”

            “Bakit nabaliktad na naman sa akin ang usapan  na ito?”

            “Kasi po lalaki si kuya normal lang na magaganyan siya.”

            “That’s not an excuse. At saka right now ayoko munang pag-usapan si Jair kumukulo ang dugo ko sa kanya.”

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon