Chapter Forty-Three

75.4K 1.6K 112
                                    

Chapter Forty-Three



            "Po?" napakurap siya sa sinabi ng mommy niya. They are having a dinner, for her it's a forced dinner dahil literal na hinila siya ng kanyang mommy papunta sa bahay nila. And there everyone's waiting for her kahit na si Jair na halatang galing pa rin sa trabaho. Umiiwas siya kay Jair halata naman hindi ba? "Kailangan pa po ba iyon?" hindi naialis sa mukha niya ang doubt sa sinabi ng mommy niya.

            "It's a need hindi ba Jair? Two weeks from now is your wedding day kailangan mong magrelax, kailangan niyong magrelax. And you need to have time together alam naming hindi niyo namemeet ang schedule dahil masyado kayong busy sa trabaho." Suggestion ng mommy ni Jair.

            "I think I can't ninang I am really busy with-."

            "That's nonsense Xyler I still have time with your mom and my family even if I am working. Don't worry I'll take over while you are away." Panggagatong ng daddy niya.

            Tiningnan niya si Jair, she is waiting for him to say something and refused about their parents scheming act. They are obviously trying to push them to each other.

            "Mahina pa ang katawan mo dad and besides I think Jair is quite busy as well." How she wished na tatango nalang ito pero sa halip na iyon ang gawin ay hinapit lang siya nito upang magkalapit ang kanilang katawan.

            "That would be a good idea everyone, I am sure that vacation will be very nice plan. We'll be leaving tomorrow night."

            "Huh? No-."

            "That's great!" she bit her lips when her mom and her ninang Amber seems so happy with the idea. "Gusto ko na rin ng apo." Napanganga siya sa narinig niya mula sa kanyang ina kasabay ng pamumula ng kanyang mga pisngi. Hindi na siya nakaimik ng mukhang naging intersante sa mga matatanda sa table nila ang sinabi ng kanyang mommy.

            "Gusto ko ng apo na lalaki." Deklara ni ninang Amber niya.

            "Gusto ko rin ng lalaki balae." Sang-ayon ng mommy niya.

            "Mas gusto ko ng babaeng apo bibilhan ko siya ng sports car." Singit ng ama ni Jair. "At kabayo."

            "Pwede rin ng yate, gusto ko rin ng apo na babae tapos mangingisda tayo mula sa helicopter para cool." Parang mga tangang nagkampihan ang mommy niya at mommy ni Landon tapos ang mga daddies nila. Siya naman ay nasapo nalang ang noo, namomroblema pa nga siya sa kasal nilang dalawa na ayaw niyang matuloy tapos ngayon hindi pa man ay apo na ang pinag-uusapan ng mga ito.

            "You need to eat more." Ibinigay ni Jair sa kanya ang laman ng plato nito. "Mapapagod ka sa kakabuo ng mga apo nila."

            She just glared at him and push him away from her, she bowed her head and continue eating. Hindi nalang siya umimik kasi biglang sumagi sa isip niya ang bagay na iyon. She didn't even think about having a family really soon, she's already twenty eight... but what would it looks like if she and Jair would have kids of their own? How would they look like then?

            Agad niyang isinantabi sa isip niya ang bagay na iyon right now it's not the right time for day dreaming. Hindi siya pwedeng umalis dahil baka may mapahamak pagbalik nila mas mabuti na sigurong nandito silang dalawa kasi nakikita niya ang mga ito at nababantayan. At mas mabuting nandito siya dahil nakikita siya ng nagbabanta sa buhay niya.

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon