Chapter One

129K 2.3K 79
                                    

Chapter One

            “Mommy mo  si Lei Francois?” manghang tanong ng classmate niya. Sinamaan niya ito ng tingin wala lang nasanay kasi siya na kapag nirerefer ang mommy niya ng Lei Francois ay naiinis siya. Her dad is kinda possessive about her mom gusto lang nitong marinig ay ang buong pangalan ng kanyang nanay na Lucille Sebastian, her mom’s real name.

            “Yup, she is my mom.” Sagot na lamang niya habang inaayos ang gamit niya sa school nila.

            “Kaya pala ang gaganda ng mga outfits mo dahil designer pala ang mommy mo.” Naiiggit na wika lang nito na nginitian lang niya ito dahil tunay naman iyon her mom always and never fails insisting her to wear everything she designs. Minsan nga ay nalilito na siya kung ano ba talaga siya anak nito or manika na pwedeng bihisan. Hindi pa nakatulong na tito niya ang may-ari ng RJS ang isa sa mga sikat na clothing line ngayon at sa buong London. Her tito Rajeev spoils her much at mas lalo naman ang ate Chloe niya na isa ding designer.

            Kung alam lang nito ang pinagagawa niya ay hinding-hindi nila iisipin na bihisan siya ng ganoon nakakatawa lang kasi. Kung sino pa iyong hindi mahilig sa mga bestida at kung anu-anong pang-girly na clothes ay siya pa itong madalas binibihisan ng ganoon.

            She still studying Architecture and on her second year, five years ang buuin niya para matapos siya sa kanyang major. Hindi siya naging designer like her mom instead she is following her dad’s footsteps, an architect by heart. Mas feel niyang magtayo ng bahay, buildings at bridges keysa humarap sa sketch pad at gumuhit ng mga damit.

            “Xyler.” Untag ng kausap niya, nagising siya sa kanyang malalim na iniisip ng tawagin siya ng kanyang kaharap. Babaeng classmate niya na hindi naman niya friends, wala talaga siyang masasabing friends sa loob ng campus or kahit na noong nasa high school pa lamang siya. May isang taong trip lang talagang sirain ang lahat ng pwedeng mabuo niyang friendship mapalalaki man o babae.

            “Xyler Faith Sebastian are you listening to me?” tila inip na inip na tanong ng kausap niya.

            “Yes, why?” tanong nalang niya.

            “Good akala ko pa naman ay nakatanga ka lang diyan.” Asar na sabi nito, siya man ay nailing nalang dahil hindi talaga niya forte ang makipag-usap sa babaeng tulad nito.

            “Sino ka nga?”

            Mas lalong hindi maipinta ang mukha nito gusto tuloy niyang magcheer ng ‘Go Xyxy, Go! Olah!’

Waiting on a Feeling (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon