Third Eye

11.2K 143 40
                                    

Hindi ko talaga lubos na maunawaan ang mga taong nakakakita ng mga bagay o nilalang na hindi basta nakikita ng tulad kong ordinaryong nilalang. Sila iyong tinatawag na may third eye. Marami sa mga kakilala ko ay may ganitong katangian na hindi ko pinaniniwalaan dahil isa man sa maraming beses ay hindi ko pa nararanasan makakita ng mga entity na nakikisalamuha sa atin. Mapa-kaluluwa man ito o laman lupa. Hindi naman ako 'yong tipong manhid na walang nararamdaman, yes, nakakaramdaman ako ng pangingilabot, pagtaas ng mga balahibo sa katawan. Iyong pakiramdam na parang may nakatingin. Lahat ng iyan ay naranasan ko na pero 'yong makakita? Makipagusap? Sa mga ganyang nilalang ay wala pa sa sistema ko. Ngunit hindi maikakaila na mayroon ngang ganyang bagay na pilit nakikisiksik sa atin. Nakikisalamuha na hindi natin alam.

>>>>>>>>>>>>

Isa si Sir Jeff sa mga magagaling na guro ko sa Liceo De Pulilan. Mabait at mapagpasensiya sa mga tulad naming likas na maiingay na estudyante. One time na kailangan namin lumipat ng room at doon sa laboratory room kami napunta. Malinis. tahimik. Medyo nasa dulo kasi iyon ng college department ng naturang eskwelahan. Sabi-sabi may mga nagpapakita daw doon, tipikal para sa isang laboratory room. Pero wala pa naman nagpapatunay na mayroon talagang nakita roon.

Walang nakapansin sa pananahimik ni Sir Jeff mula nang pumasok kami sa laboratory room. Seryoso naman kasi lagi ito.

Nagsimula na itong magturo pero panaka-nakang sumusulyap sa likuran namin. Medyo nasa second last row kasi kami ng upuan at nagtsitsismisan. Akala namin ay nakita kami nagchichikahan. Agad naman kami tumahimik nang makita namin siyang nakatingin. Hanggang sa pumuwesto na ito sa likuran kaya naman ang PEG namin that time ay ulirang estudyanteng nakikinig. Pero maya-maya lang ay nagpaalam si Sir Jeff na may kukunin sa faculty room. At tulad ng mga dagang walang bantay na pusa nagsimula uli kaming magingay, tsismisan there and everywhere. May iba nga ay nagbabatuhan ng papel. Tawanan. Sinaway kami ng class president pero deadma lang kami. Hanggang bumalik na si sir Jeff.

Hindi pa rin kami natinag sa pagdaldal. Hanggang sa magsalita na si sir Jeff ng weird.

"They're threatening us"

Lahat kami napatingin kay sir. Nagtataka.

"Kanina pa sila nakatingin sa atin at nagagalit sila dahil sa ingay natin"

 

 

Sinong sila? Takang takang tanong ko naman sa sarili ko. Nandito ba ang principal? Ang director? Wala naman ah. Bakit???

Hindi lumipas ang sandali ay pinalabas na kami sa laboratory room. Nasa mukha pa rin namin ang pagtataka. At sa field kung saan pwedeng maupo sa damuhan ay ikinuwento ni sir Jeff ang dahilan kung bakit nasabi niya iyon. Sa laboratory room, pagkapasok pa lang namin ay naroon na daw ang dalawang bata. Isang lalaki at babae, nasa magkabilang panig ng room. At sa dulo naman ay isang nakatatandang babae. Galit daw ang mga ito dahil sa sobrang ingay namin. May tendency daw na makapanakit ang mga ito. Kumbaga, kaluluwa man ito pero dahil sa naipon na negative energy ay maaaring makagawa ito ng kapinsalaan sa kapwa. Sabagay, siguro parang sa tao, kapag galit ka ay parang gusto mong pumatay.

Mula noon ay hindi na kami nag-klase sa laboratory room, ni tumuntong. Dahil para lang naman talaga iyon sa mga college student ng school namin. Hindi namin alam kung binendisyunan yung laboratory room. At hindi na rin namin alam kung naroon pa ang mga nilalang na iyon. Sana wala na.

      >>>>>>>>>>> THE END <<<<<<<<<<<<<<<<<<

 

 

Author: Gusto ko lamang i-share itong nangyari sa amin noong fourth year highschool ako. Totoo nga ba ang nakikita ng may mga may third eye o gawa-gawa lamang ito ng kanilang mga imahinasyon? Sa henerasyon natin ngayon ay marami na tayong naririnig na mga ganitong kuwento. Mas nakakapangilabot pa nga at sadyang nakakataas ng balahibo. Ngunit sino nga ba ang lubos na magpapatunay? Ang taong may third eye o ikaw na nagbabasa nito? Ang siyensa ba na lagi na lang may paliwanag na ito ay gawa ng science at nang mga bagay sa paligid o ang mga psychic na may kakayahan bigyan ng paliwanag ang mga ito.

Note: Habang sinusulat ko 'to (11:53pm), hindi ko alam kung ipagpapatuloy ko pang isulat  (obviously natapos ko na). Nagkaroon kasi ako ng kakaibang pakiramdam. Something weird, e. Hindi naman ako kinilabutan. Basta! Oh well, salamat sa pagbabasa nito. Nawa'y magkaroon ng linaw sa kung ano talaga ang nakikita ng taong may third eye. Hanggang sa susunod na istorya ng kababalaghan ng inyong abang lingkod ShanaG.

*Sana'y may makausap akong isang psychic* He-He. Asumera much. Adios!

My Horror Stories : One Shot (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon