12-21-12 END OF THE WORLD?

9.8K 122 27
                                    

Bago ko simulan ang update dito ay nais ko munang i-share ang kakaibang pangyayaring ito kahapon doon sa work ko. Uwian na niyon. Isasara na namin yung store ng bigla akong tanungin ng bossing ko kung nakita ko daw yung mga susi. Ang sabi ko ay hindi ko napansin at kanina lang ay hawak-hawak niya ito. Naghanap kami, baka sakali na misplaced lang. Hanap doon, hanap dine. Kulang na lang ang baligtarin namin ang FREEZER para lang tignan kung nasa ilalim niyon. Nagpatuloy kami sa paghahanap, mga 30minutes na namin ginagawa iyon. Galit na ang bossing ko at mukang sa akin mabubunton iyon. After a few more minutes nakita din yung bungkos ng susi  na nakasabit sa kamay ng STO.NINO na nakalagay sa mataas na estante. Takang-taka kami kasi napaka-imposibleng mailagay pa roon iyon dahil kalimitan ay sa drawer nakalagay yung mga susi. Bukod pa roon ay inilabas na ng bossing ko iyon at nilagay sa lamesa para madali na ang pagsasara. Besides, hindi namin sinsabitan iyon ng kung anu-ano maliban na lang kung bulaklak ng sampaguita iyon. I don't know kung mensahe ba iyon o ano. Dahil ba nagkalat ang pahiwatig na magugunaw na ang mundo DAW sa December 21, 2012??

Sabi ng kasamahan ko ay baka isa daw itong SENYALES. Senyales na nalalapit na ang katapusan ng mundo. Sabi ko naman ay baka nagkataon lang. Naniniwala naman ako na SENYALES ito, pero hindi senyales na magugunaw na ang mundo. Maaaring isang paalaala lamang ito na wala kayong dapat paniwalaan kung hindi ang salita ng Diyos. Hindi ang salita ng taong maaaring kilala lang ninyo o nakikita pero hindi sigurado kung gaano katotoo ang kanyang sinasabi.

Sabi nga sa isang kotasyon.

One very important thought to keep: "When life gets too hard to stand, KNEEL."

Simple yet meaningful.

Hindi ba nakakatuwa ang iba sa atin. Imbes na mag-panic ay nakikita na lamang ang mga sarili na pinagsisiklop ang mga palad at taimtim na nagdarasal.

Anuman ang ibig ipakahulugan ng nangyari kahapon, alam kong hindi masama ang ibig sabihin niyon. Maniwala tayo sa kanya.

Maaari kayong magkomento dito. Ang inyong palagay sa nalalapit na END OF THE WORLD daw. Kahit marahas na komento. Sige lang. GORABELS lang. Salamat. Tomorrow night po ang UD nito. Maraming salamat sa pag-comment, pagboto at walang sawang pagbabasa dito. Sana ay inyo rin basahin ang iba ko pang sinulat na ka-etchusan at CLAN-dian. He-he-he. Salamat ng marami.

My Horror Stories : One Shot (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon