010919 - Of My Heart

15 2 1
                                    


Ang bilis naman ng araw. Hays.

It's already day 9 of 2019. Parang wala naman masyadong nangyari sa mahigit isang linggong nakalipas.

Maybe, I'm just too busy working kaya hindi ko namamalayan ang oras na lumilipas. Darating nalang yung bukas na sasabihin ko.. "Wow, 2020 na pala."

It's still cold here in Baguio. Actually, whole year naman. The cloud-like fog is always present anytime of the day. Either during morning when I walk my way to the store, or early evening pauwi.

For two months of staying here, nakapag-adjust na rin naman ako. Yung katawan kong sanay sa maninipis na damit sa Maynila, pagdating dito lagi akong nakadoble ng suot. Minsan pa nga triple pa.

I also experience nung umulan ng malalaking tipak ng yelo nung bago mag-pasko. Woah. Nakakatakot pala yun. I remember one of the passers-by was hit by an ice which fell right from the sky.

Even that thing which I only see through foreign dramas during winter, naranasan ko dito. Yung habang nagsasalita ako, umuusok ang hininga ko. Astig! Hahaha.

But seriously, January is the coldest month in this place. Bagay na bagay dito ang nga boyfirend or girlfriend ninyong biglang nanlamig sa relasyon ninyo.

But despite of its chilly season, people still want to visit Baguio. I can't blame nor stop them, there's a lot of fun to do here. Aside from sight-seeing and instagramable photos, tasty foods and delicacies and they're indigenous culture .. People here are so heart-warming.

Hindi ako nagsisisi na dito ako nakarating sa pag-alis ko sa bahay.

While taking my time in setting a drama in my mind, may pumasok na palang customer at nasa harapan ko na pala. Masyado akong nakatulala sa labas habang pinapanood ang mga taong nadaan.

Napansin ko nalang yung dalawang kamay na kumakaway na halos ilang pulgada ang layo sa aking mukha. "Hugo? Hellooo?" Shet! Nawala naman ako sa sarili ko.

"Ah! Yes po? Ano pong order nila Sir -", I suddenly stopped as soon as I recognized my customer's face. Handsome face. "F-Felix. Ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?"

"Haha. Namiss ko yung sweet strawberry taho na tinda mo eh. Pwede ba?" Ani niya sakin na may sintamis ng binebenta ko ang kanyang pagkakangiti.

"Ahh! Ganun ba? Sige, saglit lang." Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa mataas na upuan behind the counter top to make our specialty.

Talaga bang taho lang ang pinunta niya rito? Halos matatapos na rin ang shift ko ngayong araw at hinihintay ko nalang naman si Tita Rita na dumating so I can go home na rin. I really wonder what he's up to, this time.

"Heto, Felix oh."

"Yun, salamat."

"Siya nga pala, kailan ang balik uwi ninyo?" Nasabi niya kasing last week of their vacation na nila dito sa Baguio eh. Hindi ko lang alam kung anong saktong araw.

He even smiles before answering my question, "Eto naman. Parang pinapauwi mo na agad ako nan, Hugo. Haha."

"Hindi ah!" Sambit ko. Hindi naman kasi talaga ganun ang ibig kong sabihin. "I mean, atleast, alam ko yung last day mo dito."

"Sunday morning. Sayang nga eh, gusto ko pa sanang mag-extend kaso mga busy na ang mga kasama ko."

"Ahh." Sabi ko habang sinimulan ng magbilang ng araw gamit ang mga daliri ko. Wednesday ngayon. Thursday. Friday. Saturday. Hindi ko na isasama ang Sunday kasi umaga palang paalis na sila nun. "Oh! 3 days nalang pala? Ang bilis naman."

Mesi d'Amore: GennaioWhere stories live. Discover now