010819 - The Missing Pieces

17 2 0
                                    


Tulad kagabi, inabot ako ng umaga na walang ginawa kundi maglagalag ang utak ko sa iba't ibang kwarto ng ideya na biglaang nagbukas nung pumasok sa eksena ang first kiss ko.

Yung iba, first love nila ang pinagpupuyatan nila.. Eh ako? Yung lalaking unang nagnakaw ng birhen kong halik ang bumagabag sa loob ko.

"Bakit ba ako masyadong tensionado ngayon?" Ani ko sarili. Sanay talaga akong makipag-usap to myself habang nakahiga na sa kama kayakap ang extrang malambot na unan sa tagiliran at isa pa sa bilang dantayan.

"Bakit ba inuubos ko masyado ang oras ko sa pag-iisip sa mga pwedeng mangyari, or 'posible talagang' mangyari?"

Una!

Paano kung may maitim palang balak si Felix sa likod ng kanyang mala-anghel na pagngiti-ngiti sa akin. Baka tulad pala siya ng iba na tinetest kung ma-iinlababo ako sa kagwapuhan niya tapos papaasahin lang. Well, alam ko kung gaano kahirap maging tii-eyy-enn-jii-eyy! Kaya 'No! No! No! No!' dyan.

Ikalawa!

Isang random game lang ulit ito na natipuhan niyang laruin kasi nga bored siya. Na-witness ko na rin naman kung gaano siya ka-game sa mga inordinary games tapos sasabihin niya lang na reason ay 'ALL JUST FOR FUN'. The fuck!

Yung laro na siya ang manlalaro tapos within one week dapat niya akong maharot at mapasagot. Tss. Mahina ang immunity ko sa harutan na 'yan. Kaya kailangan ko ng matinding determination na bawal ma-fall.

Ikatlo!

Ito sana yung gusto Kong magkatotoo eh. Pero parang ito pa yung least possible to happen among the three options. I mean, 'three guesses' ko.

Malay natin, nacurious siya sakin. Namiss ang kisses namin. He realized that after a year, destiny brings us together again in this city of love, este city of pines.

Then yung pag-approach niya sakin ay may magandang motibo na sisimulan muna akong kaibiganin tapos samakalawa, tuluyan na niya akong iibigin. Yiiiee! Ang landee ko sa part na 'yun.

Tapos magkikiss ulit kami! Hahaha! And we will live happily .. ever .. afterrr!

Ayun lang naman ang mga naglalaro sa brain cells ko. Siguro kung naghilig akong magsulat, nakagawa na sana ako ng ilang nobela sa kakaibang twist-twist na naiisip ko. Eh kaso hindi naman.

"Yeah. Pero kasi .. It's our last week here in Baguio. Gusto pa sana kita makilala. Would you mind?"

Hihihi. Sayang, hindi ko nairecord yung sinabi niyang yun. Hayaan na! Klarong-klaro naman sa isip ko kung paano niya sinabi yun. Gusto pa niya ako makilala? Ayiiee!

I just can't imagine how a 22-year-old very handsome man wants to know a simple 19-year old stunner. Chos! Hahaha.


***


"Haaaaaaa!" Tinakpan ko ng maigi ng dalawang kamay ko ang bibig ko na nakailang beses ng humikab-hikab habang naka-duty ako.

Shetness. Inaantok talaga ako. Dahil kasi yun kay Felix eh. Tsk!

"Ano ba 'yan Baby Hugo, kay aga palang antok na antok ka na! Hindi naman kita pinuyat ah." Biglang banat ng kumag na si Aiden sa isang maliit na butas na ginawa niya sa trapal na naghihiwalay sa tindahan ni Tita Rita at tindahang binabantayan niya.

Hays! Hindi ko siya kagawang tarayan kasi hindi pa rin ako nakakapagbigay ng exchange gift ko sa pasalubong na binigay niya sakin. Masyado kasi akong naging abala sa paglilibot sa BBG eh. Nakalimutan ko tuloy.

Mesi d'Amore: GennaioWhere stories live. Discover now