CHAPTER 20

4.5K 131 10
                                    

"Rhys pov"

Nandito ako sa harap ng salamin at nag hahanda ng pumasok kahit ayaw ni charles papasok parin ako. Boring na boring na kasi ako at ayoko namang parati nalang akong nakahilata dito. Naka bihis na ako inaayos ko nalang ang buhok ko, sa school na lang din ako kakain kausap ko kasi si kate kanina at napag usapan namin na sa school nalang kami kakain.

"Manang! aalis na po ako" pa alam ko kay manang. "iha kumain ka muna saka bakit papasok kana? diba sinabi sayo ni charles na hindi ka muna papasok. Hay nako ka talagang bata ka ang tigas ng ulo mo" sermon sakin ni manang. "manang magaling napo ako saka baka pag nag stay pako dito mas lalo akong mag kakasakit" sagot ko naman. Tama naman ah baka pag dipa ako pumasok mamamatay nako sa sobrang boring dito hindi din naman kasi umuuwi ang magaling kong asawa masyadong abala sa kung ano mang ginagawa nya

"hoy kupal! tara na! kanina pa kita hinihintay ang tagal tagal kanina pa nag wawala yung mga alaga ko sa tyan" saad sakin ni kate, kadadating kolang kasi at nakita ko sya na hinihintay ako aba hindi ko kasalanan, kasalanan ng traffic yun.

habang papunta kami ni kate sa cafeteria nakasalubong namin si kyle "aba pormang porma ka gurl ka" kantyaw ni kate kay kyle, tumingkayad pa si kate at mariing inamoy si kyle "aha sabi na eh nag pabango pa ang bakla" natatawang asar  ni kate kay kyle. "papansin ka talaga" asar na asar na sagot ni kyle kay kate. Tumawa naman ng malaks si kate at tuwang tuwa dahil asar na asar ngayon si kyle. "para kayong mga bata dyan! mag aasaran nalang ba kayo o kakain na?!" medyo naasar nako sa kanila dahil gutom na gutom nako.

Omorder lang kami ng basic breakfast at kumain ng payapa "rhys gusto mo paba ng rice?" tanong ni kyle sakin at marahan naman akong umiling saka ngumiti " bacon gusto mo?" tanong nanaman nya kanina pa sya alok ng alok ng pag kain sa kanya binabawi kona yung sinabi kong payapang kakain dahil hindi ako makakain ng maayos habang yung isang bruha naman tawa ng tawa sa gilid at mukang sa nakikita nya nasagot yung tanong nya sa isip nya.

"ako na mag dadala ng bag mo rhys" alok sakin ni kyle at akmang kukunin na ang bag ko "hindi na kyle kaya ko naman" tanggi ko sa kanya "I insist ako na mag bubuhat" pilit nanaman sakin ni kyle, pero nakuha nya na ang bag ko pero kukuhanin ko sana sa kanya kaso inangat nya at sa kamalasan mas matangkad sya sakin kaya tumalon ako sa kanya sa kamalasan nanaman na out of balance ako kaya natumba kaming dalawa sa sahig.

"halla ayos lang kayo?" natatawang tanong samin ni kate, tumayo ako ako saka tinulungang tumayo si kyle. "ang sama ng ugali mo kate, tawa ka ng tawa dyan hindi mo manlang ako tinulungan" sabay irap ko kay kate, ganyan talaga yan tatawa muna bago tutulong.


pag harap ko sa hallway nasa labas na kasi kami ng cafeteria, nakita ko na nakatingin samin si charles wala ka manlang akong mabasang ekspresyon sa muka nya. "Tara na baka malate pa tayo yung bagong prof ang mag tuturo satin ngayon" saad ni kyle. Nag lakad na nga kami at medyo nadatnan namin yung teacher dun na halos kadadating lang.


"Hi guys" nakangiting bati samin ni maam. Ang ganda nya at hindi maikakailang mabait ito dahil ang amo ng muka nya. Maputi din sya at mahaba ang buhok mapupula ang mga labi saka matangkad.


"hello maam" sagot naman ng mga classmates ko na pinapangunahan ng boys, basta talaga magaaganda hayst. "so how are you naman? by the way im alexa dale madriaga, nice to meet you all" nakangiti nyang pakilala saming lahat.


"May gusto pa kayong malaman?" tanong nya.


"Maam may boyfriend napo kayo?" tanong naman ni leo sa likod.


"hmm boyfriend?" tila nag iisip nyang saad kay leo

 "yes meron, saka fiance ko na sya" nakangiting sagot nya at sabay pinakita ang engagment ring nya, ang ganda nung sinsing nya simple lang pero maganda.

"uy! okay kalang?" tanong sakin ni kate. "para kang pinag bagsakan ng langit at lupa" para kasing sumama yung pakiramdam ko noong pinakita ni maam yung engagment ring nya.


"maam sino po yung fiance nyo?" tanong naman ni alena. "baka kasi ayaw nyang ipaalam sa iba alam nyo naman masyadong private na tao yun" sagot naman ni maam "pero dahil hindi naman na kayo iba sasabihin ko" "but make sure na walang makakalam ha" sabi pa ni maam at nag quiet sign sya.


"Si sir charles nyo ang fiance ko,saka sya din ang nag pasok sakin dito!" tila masayang masaya sya sa mga sinasabi nya sa paraan ng pag kukuwento nya.

tila himinto yung pag tibok ng puso ko hindi ako makagalaw at na sa kay maam lang ang tingin ko. Para akong binagsak mula sa langit hanggang sa lupa, ang sakit.


"rhys gusto mo umuwi na tayo" tanong sakin ni kate. ngumiti lang ako sa kanya at umiling. tila hindi naman sya satisfied sa sagot ko pero ngumiti sya sa akin dalawang subject lang naman kami ngayon at mag ka sunod pa.


"whhaaattttttttttttttt" sigaw ni alena at napa tayo pa. "si sir charles?" tanong naman nya. ngumiti si maam saka tumango. napabalik nalang sa pag kakaupo at sumimangot.


ang dami pa nilang tinanong kay maam tungkol kay sir charles pero kahit isa hindi ko pinapakinggan, lumilipad kasi yung utak ko dinagdagan pa ng mga nalaman ko ngayon. bakit ganun? hindi ba ako pwedeng mag mahal? hindi ba ako pwedeng mahalin?. Ganito ba ang kapalit? ganito kaba kasakit mahalin charles? ang daming tanong na nabubuo sa utak ko ngayon at ni isang sagot wala akong mahanap.


namalayan ko nalang na niyuyugyog ako ni kate "asawa mo andyan" bulong ni kate sakin. tumingin naman ako sa harap at nakita kong nakatayo silang dawala dun, mas lalo nanaman akong nasaktan dahil naka kapit si alexandra sa mga bisig ni charles.


"ang aga mo naman hon, hindi pa tapos yung time ko ah?" saad ni alexa kay charles. "btw hon sinabi ko nga pala sa kanila na fiance kita" masayang saad nito kay charles. unti unti naman akong tinignan ni charles at hindi nya alam kung anong gagawin nya.


"Sinabi mo sa kanila? tanong naman ni charles habang nakatingin padin sa akin. "yes hon, why? may problema ba?" tila nawala yung ngiti ni maam kanina at napalitan ng lungkot.


"sir totoo poba fiance nyo si maam?" singit ni garce isa ding diehard fan ni charles. tumingin sya sakin at unti unting binalik kay maam ang tingin. "hon tinatanong ka oh" saad ni maam habang tinuturo si gace.


nakatingin lang sa baba si sir ang tagal bago nya sabihing "yes she's my finace" mas masakit pala pag sa kanya mo narinig yung mga salitang yun.


"congrats sirrrrrr!" sabay sabay na hiyawan ng mga classmates ko. samantalang ako gusto ko nalang mag palamon sa lupa sa sakit na nararamdaman ko ngayon, ang sakit ang sakit sakit nakatingin ako sa lamesa ko na nakayuko hindi ko namalayan na may pumatak na luha sa mata ko.


"lets go!" seryosong aya sakin ni kate, tila sya yung nasasaktan para sakin.


"maam pwede pong mag excuse? may emergency lang po sa bahay mag papasama po sana ako kay rhys." paalam ni kate kay maam.


"is that so? whats the problem?" tanong ni maam kay kate "maam family emergency po" sagot naman ni kate. "okay take care" hinila na ako ni kate at tumingin muna ako kay charles nakatingin din sya sakin na aawa yung tingin na pinupukol nya sa akin.


Hindi ko namalayan na nasa parking lot na kami at umiiyak na ako sa yakap ni kate "okay lang yan rhys andito ako, hindi kita iiwan"



----------------------------------------------------------------------

<3

my husband is my professorUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum