CHAPTER 31

6.9K 225 215
                                    

"Rhy's pov"

Nakaupo lang ako sa sala habang na nonood ng netflix, maaga pa naman para sa date namin ni klye mamaya. Habang nanonood ako kinuha ko yung cellphone ko at nag open ng facebook. Wala namang bago doon puro lang post ng mga ka batch ko noong college, nag punta naman ako sa instagram at pangatlong scroll ko palang may nakita akong post ng isang college batch mate ko dati 2 Week's na pala itong post na ito. Napa ayos naman ako ng upo sa nakita ko. Picture ito ni charles at ni alexa, naka ngiti silang dalawa at makikita mo talagang masaya sila habang pinakakita ni alexa yung sinsing sa kamay nya. Napa tingin naman ako sa caption 'congrats, soon to be Mrs. Montefalco!'.

"Well congrats sa inyo" halos pabulong kong sabi. I wish the better and happy marriage to the both of you. Napa isip naman ako, engage na sila diba? So napirmahan na ni charles yung divorce paper namin? aaminin kong medyo nalulungkot ako pero yung lungkot na iyon ay walang wala sa nararamdaman kong saya simula noong andito na si kyle. Wala na akong balita sa divorce paper namin simula noong pag alis ko sa pilipinas. Ang sabi lang sakin ng parents ko sila na ang bahala kaya confident ako na maayos nga nila yon as soon as posible. Sa nakita ko ngayon sigurado akong naayos nga nila.

Hindi ko namalayaan na tapos na pala yung pinapanood ko kaya naman tumayo na ako at napag isipang maligo na, mag aalas dose palang naman. Pupunta muna akong mall para bumili ng stethoscope ko medyo nanghihingalo na kasi yung stethoscope ko. Pinatay ko na yung tv at nag punta na akong kwarto ko para mag prepare. Kinuha ko yung towel saka bathrobe ko.

Nag suot lang ako ng jeans na high waist saka isang off shoulder na crop top saka nag high heels nalang ako. Nilugay ko nalang ang mahabang buhok ko. Hindi na ako masyadong mag aayos ng muka ko dahil bibili lang din naman ako ng mga gift ko kay kate. Alam kong nag tatampo na yung babaeng yun sakin dahil medyo matagal na din kaming hindi nag kikita.

Bumaba na ako para pumunta sa parking lot. Hindi naman masyadong malayo ang mall samin, kung sa tutuusin nga pwede itong lakarin pero mas gusto kong mag drive kesa mag lakad. Sumakay ako sa sasakyan ko, katabi nya yung car ni klye. Dalawa kasi ang sasakyan nya, ewan ko ba sa lalakeng yon mayadong mahilig sa mga sasakyan.

Nag drive na ako papunta sa mall at wala pang 10 minutes nakarating na ako. Nag park lang ako sa malapit lang sa entrance dahil ayokong mag lakad ng malayo. May nag park din sa katabi kong space halos mag kasabay lang kami. kinuha ko yung bag ko saka shades. Bumaba na ako saka pumasok sa mall. Una ko munang puntahan yung store ng LV, balak ko kasi syang regaluhan ng bag nalang alam na alam ko na yung gusto ng babaeng yon halos pauno na nga yung kwarto  nya ng bags sa dami ng collection nya. Hindi ko nga alam kung nasa kanya naba lahat ng designs ng bags eh.

Pumasok na ako don at may nahagilap akong design ito yung nakita ko sa internet dito lang ata sya sa paris mabibili dahil sobrang limited edition neto. Simple lang naman itong, satchel bag  sya na napa simple lang ng design pero sobrang ganda. Hindi naman ako nag dalawang isip at binili ko na ito dahil sobrang deserve naman ito ni kate.

Lumabas na ako dala dala yung paper bag ng LV na  nag lalaman ng regalo ko  kay kate. Papunta na ako sa bilihan ng stethoscope ng biglang tumawag sakin ni kate tru video call. 

"SISSSSSS!" rinig kong sigaw nya sa kabilang linya. Kababaeng tao sobrang lakas ng boses.

"yes kate? bat ka napatawag, andito ako sa mall ngayon sira" saad ko sa kanya at nag patuloy lang ako sa pag lalakad. Nakita ko naman yung excitment sa muka nya kaya napangiti ako.

"kelan uwi mo?" tanong nya. Ngumiti naman ako sa kanya at natatawang tinignan sya.

"hulaan mo" saad ko naman habang tumatawa. Napa simangot naman sya dahilan pag tawa  ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

my husband is my professorWhere stories live. Discover now