False Impression 65

5 2 5
                                    

Fiona's Point of View

"I love you, Vince."
seen

"Fiona may kakambal ka ba?" Tanong mo sakin years ago after kung umamin sa'yo.

Pero hindi ko nasagot dahil nawala ka na. Yes, nawala ka at nawala din ako.

Hindi na tayo nagkausap dahil mismong plapliking ang naglayo sa'tin.

"Ano nakakausap mo pa ba si Vince?" Tanong ni Celestine.

"Aaah ano oo." Sabi ko.

Pero matagal na. Matagal na panahon na tayong hindi nagkakausap. Hindi na ikaw ang partner ko kundi solo gamer na ako ng plapliking.

"Kumusta nagkita na ba kayo?" Tanong ni Cynthia.

"Aaaah ano oo. Kahapon lang." Hindi ko maamin.

Hindi ko masabi ang totoo. Natatakot ako. Natatakot akong mahusgahan.

"Ayos ka lang ba Fiona? Balisa ka. Kumusta naman si Bunso nyo?" Tanong ni Timothy sa'kin.

"Aviona si fine." Nasabi ko.

Mas matanda kasi si Aviona sa'kin.

"Kamustahin mo si Vince ah? Aalis na kami." Iniwan na naman nila ako.

Iniwan na naman nila akong mag isa. Lagi naman eh. Akala nila I'm strong peri no. I'm really fragile. I'm not strong I'm weak. Weak inside and weak outside.

They thought wala akong problema pero meron.

Humarap ako sa salamin at tinanggal ang suot na wig. Nakakapagod na din. Tinanggal ko din ang lipstick pati na at ang tattoo na natatanggal kapag kiniskis gamit ang alcohol.

Ngumiti ako sa salamin. Kita ko ang lungkot sa aking mata. Kita ko ang sarili ko. Isang patay. Isang sugatan. Para akong zombie. Zombing lumalaban para bukas at para sa susunod pang araw.

"AVIOOOOOOOOOONAAAAAAAAAAAAA!" Rinig ko ang tili mula sa gate ng S.U.

Agad naman akong tumakbo papunta sa iskenita.

Tinalon ko ang basurahan at doon nagtago.

"May goodness Aviona kanina ka pa hinahanap ni Vince." Nagpantig ang tenga ko sa narinig.

"Sige sasama naman ako eh. Sandali lang nakita nyo ba si Fiona?" Ayan na naman ang kapatid ko.

Alam kung nakita niya ako. Alam kung nakita nya ang pagtalon ko papunta sa basurahan. Alam kung alam niya na andito ako.

"Hindi gaga ka ba hinabol kita pinagod mo ako. Ambilis mong tumakbo." Sabi ng kausap mo.

"Ha? Hehehe" Pansin ko ang pagiging uneasy mo.

Narinig ko na lang ang yabag niyo papaalis.

"Hays buhay nga naman." Pagtayo ko tsaka ako umismid.

Buset na Aviona na yon buti talaga at cute ako.

"Aviona date na tayo." Napatanga naman ako pagharap ko.

"Hakdog?" Nagtatanong na sabi ko.

"Hakdog mo mukha mo." Sabi ng lalaking kaharap ko.

Gwapo, mapanga, mapula pula ang labi, makapal ang kilay. Inshort pwedeng jowain.

"Lakad ka muna papunta dun." Turo ko sa medyo malayong parte ng pwesto ko.

"Anlayo naman didate na nga kita aayaw ka pa. Lagi kitang pinipilit. Sabi mo hanapin kita tapos date na tayo. Nakakatampo ka na." Nagpout ka sa harap ko.

Hindi kita kilala pero alam mo yong love at first sight? Parang totoo. Tumigil ang tibok ng puso ko ng makalayo ka at pumesto sa iskenita malapit sa S.U.

"BABUSH HAKDOG!" Sabi ko at hindi na ako tumingin pa.

Sa sobrang bilis kung tumakbo feeling ko nanalo na ako.

"Naku ma'am ayos lang ba kayo?" Tanong ni Aling Georgia.

"Pagod na pagod na po ako." Tsaka niya ako hinawakan sa ulo at yinakap.

Humagulgol ako sa bisig ni Aling Georgia.

"Kaya mo yan Fiona. Alam kung kaya mo yan."


















False ImpressionWhere stories live. Discover now