The Kryptonite☠

200 7 2
                                    

(Angela's Pov)


Natapos ang buong araw ko, naka balandra ang pag mumukha ko sa Fb, Twitter, Etc. dahil nga sa nangyare kanina. Dahil bumalik siya sisikat nanaman ako. At i dont want that. Hindi lang ng oras ay maganda at peace ang mga sumisikat sa chismis noh.


"kung nandito si kupal, meaning nandito rin yung kupal friends niya? Shet" asar kong sabi.


Pasalamat talaga ako, at uwian na. Wala nga lang susundo sakin. At ayukong nag bibike pag gabi. Takot kase ako sa dilim eh. Lalo na pag mag isa ako.


"look girls hindi namn siya kagandahan eh, bakit pa siya ganun tratuhin ni vin ko?" bulungan ng mga babae, habang nag lalakad ako sa harap nila.


Hindi sa nag aassume ako, pero mas maganda ako sa kanila nuh, simple lang ako pumorma pero may dating!


"miss!! Wait!! Teka miss!" tawag ng isang lalaki. Hindi ko ito pinansin bakit? Kase unang una hindi miss ang name ko, pangalawa wala akong kaibigan dito.


Nag madali akong makalabas ng school at nag tungo sa short cut para makauwi ng maaga. Naisipan kong mag emo emo habang nag lalakad, para hindi boring. Nang mapahinto ako sa isang eskinita. I saw three guys who is harassing a girl. Nangu not ang noo ko. Bakit naman nila ginagawa to? At dito pa sa malapit lang sa black market?


" parang awa niyo na po! Pakawalan niyo na po ako! "rinig kong pag mamakaawa ng babae. Habang tuloy parin ang tatlo sa ginagawa nila.


Nakaramdam ako ng inis. Babae ako kaya alam ko ang nararamdaman niya. Hindi na ako nag sayang pa ng oras at nilapitan ko ang mga ito.


" hoy panget!! Bitawan niyo siya! Ang papanget niyo na nga, nang aaway pa kayo! Panget na nga! Bakla pa!" sigaw ko sa kanila.


Napatingin naman sila sakin. At mukhang nagalit pa ito sa ginawa ko. Shet. Dali dali kong kinapa ang cellphone ko sa bulsa, at ni dial ko ang unang numero para humingi ng saklolo.


" hoy babaeng pakielamera! Aba ayus ka rin nuh? Pero nice timing ka tara isama niyo na yan dito ng makapag simula na tayo! Dalian niyo At kunin niyo na yang babaeng yan ng maidala na natin kay madam heng!" sabi nung panget sakin at naramdaman ko nalang na kinaladkad nila kami patungo sa isang building na isang kilometro nalang sa black market.


"s-sorry miss, hindi kita natulungan ah" sabi ko sa babae, tumango nalamang ito saakin.


Hindi ko alam kung nasaan kami, pero nang makita ko ang isang kwarto na makulay ang ilaw, at mausok, amoy alak, maraming lalaki, Nakaramdam ako ng takot, lalo na ng ipasok kami sa isa pang silid, kung saan andun lahat ng babaeng ka age ko. At katulad namin.


"oh buti naman at nakakuha kayo! Oh siya sige mag si alis na kayo ako na ang bahala dito, mamaya ko ibibigay ang sweldo niyo" sabi nito sa mga panget.


Nakita ko yung babaeng ililigtas ko sana na kinalad kad patungo sa isang dulo, nung assistant nung madam heng, nagulat ako nang walang sabi sabi nitong hinubaran yung babae. Lalo itong umiyak. Naawa ako para sa kanya. Nakita kong pilit nitong tinanggalan ng pantaas at pang baba. Pero naka palda parin ito.

OPERATION: 1 Break the Heartthrob's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon