☮I come in Peace☮

278 8 0
                                    

☮Dedicated to: Ms. Gabrielle Marinnie Ocampo. ;)


(Narrators Pov)


Maagang gumising si Angel para mag prepare ng breakfast nila mag ama. Sumasabay kase ito sa papa niya, gusto kase ng papa niya yung coffee na tinitimpla ni angela. Parang coffee din daw kase ng mama niya.

"anak nga pala, 1 week akong wala dito, kase may business trip kami ng tito Fred mo sa Batangas, dahil may nabali nanaman silang lupain duon at kailangan nila ako, dahil nga graduate si papa mo ng law." sabi sa kanya ng papa niya.

Tahimik na kumain si angela, malungkot na naman siya dahil wala siyang kasama sa bahay kung di si popsi lang.

"angel anak, you understand me naman diba? You know naman na i need to do this for us" paliwanag ng papa niya.

" i know papa, but batangas is too far away, and i heard that it has mountains there, so i am just worried about you papa, i dont want to be alone in this house. We already lost mom, and you and i nalang" malungkot na sabi ni angela sa papa niya.

Napangiti nalang ang papa niya sa katalinuhan ni angela, at tsaka ito niyakap ang anak, at hinalikan sa noo.

"papa promise na dito lang ako, hinding hindi ko iiwan si angela baby ko, dahil haharapin ko pa ang mga manliligaw mo" biro ng papa ni angela

Natawanan sila at nag asarin. Ngunit maya maya lang ay umalis na ang papa niya papuntang opisina at siya naman ay nag bisekleta papasok sa academy. Malapit lang kase ito sa kanila lalo't na may short pa.

"ohhh ohhh wag na wag mong sasabihin, na di mo nadama itong pag ibig kong handang ibigay kahit na kalayaan mooo ohhh" kumakantang sabi ni angela habang pinapark ang kanyang bicycle sa harap ng school.

Wala itong care kung naririnig na siyang kumakanta. Dahil nga good mood ito. Nagsimula na ito mag lakad papuntang Home room nila, nakikinig at kumakanta lang ito, kaya hindi niya alam ang nangyayare sa paligid niya.

Hindi niya din alam o naramdaman na may nabangga na pala siyang tao, at hindi niya ito pinansin. Habang ang mga taong nakapalihid sa kanila ay naestatwa sa nangyare. Tuloy tuloy lang si angela sa pag kanta at pumasok sa room nila.

Nang matapos ang kanta tsaka na ding pumasok ang kanilang teacher sa arts. Nakinig at umaayos itong umupo dahil paborito nito ang arts. Mahilig kase siyang mag pinta, at drawing.

"okay class, ang lesson natin today is, how to draw a shattered thing that is 3D. Now get your sketch pad and draw now, and pass it by 30 minutes okay?" sabi ng teacher nila.

Nag sang ayun naman ang lahat at nag umpisa na silang mag drawing habang si angela nag iisip pa kung anung idradrawing niya.

"hindi pwedeng basag na bote, so common nun, eh basag na eggshell naman common lang din, anu kaya?" bulong nito sa sarili.

Tumingin tingin si angela sa kanyang paligid at dahil malapit siya sa bintana ay napatingin roon si angela. Saktong may nakita siyang mag jowa na nakaupo sa bench sa ilalim ng puno, na nag hahalikan.

"ay grabe talaga! PDA nila, school toh hindi. Club juice ko talaga!" bulong nito.

Maya maya lang may magandang babaeng lumapit sa dalawa at pinag sasabunot nito ang babaeng kahalikan nung lalaki. Nakita niya kung gaano kasakit ang ginagawa nung babae dun sa babaeng kahalikan nung lalaki. Dahil matalino si angela na alalyze nito ang scenario, yung lalaki at babae na naghahalikan ay hindi pala mag jowa, ang jowa ni lalaki ay si babaeng nanabunot.

"yan kase, malandi kayong dalawa, yan nahuli kayo, bagay yan sainyo! Mga walang dignidad! Sana makarma kayo!" sabi nito habang nakatingin sa tatlo. Pasalamat sila walang tao roon at si angela lang ang naka saksi.

OPERATION: 1 Break the Heartthrob's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon