MBD 5 || Unfixed

2.8K 62 6
                                    

⭐️

"D-dad..." Sabi ni Ariana na kabababa lang ng hagdan. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape sa may dining area.

"Yes?" Tanong nito at nakatuon parin ang atensyon sa binabasang topic tungkol sa pagkamatay ni Tado na isa ring komedyanteng namatay dahil tinuka ng sisiw.

"D-dad, p-please wag kang mabibigla. Please, don't... D-don't hate me. Please dad I hope you understand.." Kinakabahang sinabi nito pero di parin tumingin si Vice dahil lagi naman silang nagkukunwariang magdramahan dati pa. "D-dad, I'm pregnant." Muntik ng mapabuga si Vice pero nalunok niya agad.

"Ana, malapit na ang PBB season 6. 'Dun kita isasali para madiscover ka. Actually may talent ka rin naman sa acting eh. Wag kang mag-alala. Marami akong kilalang direktor, irereto kita minsa--"

"Dad I'm serious!!!" Sigaw nito kaya napatingin na sa kanya si Vice.

"Ana? Ano nanaman ba yang pinagsasasabi mo. If you're joking me again then stop it. That isn't a good joke." Suway ni Vice ng may seryosong tingin sa anak.

"D-dad! I'm serious. And I'm sorry! Remember last last week when we're still in London? Dad, J-Jeremy and I..."

"Ana?! What the?! Are you serious?! NO! Hindi ko kayo tinuruan ng ganyan alam mo yan! Ano ba namang pumasok sa isip mo at nagpadala ka sa lalaking 'yon?! Then there's no way na tatanggapin ko yang batang yan! NO WAY!" Sigaw ni Vice.

"D-dad?! A-anong klase ka ba?! I have no choice but to carry this baby all by myse---"

PAAAAAAKK!

"Nooo!" Sigaw ni Vice na agad na napa-upo sa kama.

"Vice! Oh my god, are you alright? K-Kanina ka pa sigaw ng sigaw dyan.." Nag-aalalang sinabi ni Karylle matapos mabuhusan si Vice ng isang pitchel ng malamig na tubig kaya nagising ang huli. Napamulat ng dahan dahan si Vice at nakita ang nag-aalalang mukha ni Karylle na nakahawak sa kanyang magkabilang pisngi nang makahiga siya uli.

"K-karylle? T-teka.. Hindi totoo yun?" Magulong tanong ni Vice at nakakunot noong nakatingin kay Karylle na maski siya'y naguguluhan rin. Medyo nanginig ang binata dahil sa nabuhos sa kanyang malamig na tubig na pinagtunawan ni Karylle ng labing apat na ice cube.

"A-ang alin?"

"B-buntis daw si... Si Ariana? God, buti nalang. Muntik ko na siyang patayin sa panaginip ko. 17 years old?! Fuck, buti nalang panaginip lang yun kundi..." Nanginginig na sinabi ni Vice at pinunas punasan ang mukha gamit ang comforter.

"Vice, it was just a dream. Hindi yun totoo. Ten years after pa magkaka-anak si Arie, and I'm sorry nabuhusan kita ng malamig na tubig. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko eh. Nataranta na ako nung 'no' ka ng 'no'. Buti nga nacontrol ko yung sarili ko na hindi kumuha ng tubig sa binuksang heater." Paumanhin ni Karylle.

"Okay lang 'yun K, salamat narin ginising mo ko. Grabe talaga. Pero pwede bang paki-kuha nalang ako ng t-shirt dun o sa may closet. Basang basa kasi 'tong suot ko." Pakiusap ni Vice habang tumatayo. Tumango nalang si Karylle na tumungo nalang si Karylle sa closet nito at kumuha ng green v-neck t-shirt at pagkatalikod niya, nakita niya ang topless na dating asawa. Muli siyang napatalikod at kinagad ang labi na pinipigilan ang kilig. Mas macho na ngayon si Vice kaysa dati, hindi na ito yung payat at lalantay lantay. May konting bakat ng abs, at medyo angat na ang biceps nito.

"O-oh.. Vice o.." Sabi ni Karylle na nakapikit at iniaabot ang damit kay Vice. Inabot naman ito ni Vice na medyo natatawa oa sa reaction ng dalaga.

My Beki DadWhere stories live. Discover now