MBD 2.28 | HOPIA

2.5K 73 21
                                    

VICE'S POV

Nasa kuwarto ako ngayon at nanunuod ng laban ng Ah Tinayo vs. Dila Sale finals game two. Di lang ako mahilig sa basketball, pati narin volleyball. Bakla palang ako nanunuod na ako ng volleyball, lalo na nung dumating 'tong Ateneo na 'to ang gagaling.

I'm too hot! (Hot damn)

Say my name you know who I am, I'm too hot! (Hot damn)

... Girls hit you hallelujah,

Girls hit you hallelujah,

Girls hit you hallelujah,

'Cause uptown funk don't give it to you!...

Nabulabog nalang ako ng ingay mula sa kabilang kwarto. Nakakarindi ah! Pwede bang mag-earphones nalang 'yang binatang 'yan?! Kailangan talaga nakasaksak sa speaker at ipagtutugan ng malakas?!

Dali dali akong tumayo sa kinahihigaan ko at pabagot na pumunta sa kwarto ni Luke.

"Don't believe me just watch COME ON!" Sigaw niya pagkabukas ko ng pinto. Ugh! Ang lakas! Nasayaw sayaw pa siya habang naka-upo kasi hindi naman siya makakasayaw ng nakatayo eh.

"Ano ba 'yan Luke Vrylle! Pakihinaan nga 'yan! Nakakaistorbo ka na e," saway ko habang nakatakip sa tainga ko. Sumilip lang siya sakin at sinamaan ako ng tingin na parang bata. (An: yung itsura ni DJ nung dumalaw si ms. Karla sa set nya. Yung sa mga nakakaalam lang, ganun, cute, yung nakatungo tapos nakakunot)

"E di wag mo nalang pakinggan," sagot niya at nagpatuloy lang sa pagsasayaw. Kundi lang talaga 'to nadisgrasya isasali ko 'to sa The Moves, kapatid ng The Voice.

"Eh panong hindi?! Nanunuod ako ng tv dyan lang sa kabilang kwarto tapos ang lakas lakas ng music mo. Hinaan mo nalang! Mabibinga ka niyan e!"

"Sa baba ka nalang manuod PO," sabi niya emphasizing 'po'. Wow bihira siyang mag-po ah. "Come on!! Tenenen tenenen papawapapawap tenenen tenenen don't believe me just watch!" Parang baliw at pakanta kanta pa, nakaradyo naman pala siya e kaya naman pala. Wala rin naman siyang phone para makapag-play ng sarili niyang music.

"Hay pisti. Bahala ka nga dyan, bumaba ka nalang pag dumating na 'yung pinadeliver kong KFC," sabi ko bago umalis pero may sinabi pa siya.

"Deliver nanaman? Haist, bumabalik ka talaga sa dati pag wala si mommy," nakangisi niyang sabi habang nakapikit. "Oh JM, you're so tamad," umirap nalang ako at saka bumalik sa kwarto ko.

Pag pasok ko, nakita ko nalang sa tv na nagsisihulugan na ang mga puting confetti. Ano nang meron?! May nanalalo na ba?! Tinignan ko yung mga nagtatalunang players, mga naka... Blue.

"WAAAH?! PUTCHA?! NANALO ATENEO! SHEET WHOOOOO! WOOOOO!" Tuwang tuwa kong sigaw at nagtatatalon sa kama at sa sahig.

"Maingay karin e!" Rinig kong sulpot ni Luke sa may pinto.

++++++++++++++

Pareho kaming kumakain ni Luke sa may sala ng chicken na inorder ko na nasa bucket. So chicken nanaman ang lunch namin, hayaan mo na, iba naman lasa nito e. Trip naming sa sala kumain hindi sa dining, nanunuod naman kasi kami ng basketball. Purefoods Star Hotdogs vs. Brgy. Ginebra San Miguel Beermed.

"Wala, talo 'yang Hotdogs," rinig kong bulong ni Luke sabay kagat sa manok.

"Ano? E mas chugi nga 'yang Ginebra mo," sabi ko at nakatutok parin sa tv. Wala 'yan! Talo Ginebra pustahan pa tayo. Walang kwenta naman 'yang Tenorio na 'yan, maliit!

My Beki DadWhere stories live. Discover now