Chapter 23

80.5K 1.2K 16
                                    

NAGPANTIG ang tenga ni Keanna ng marinig yung tsismisan ng mga katabing lamesa sa canteen ng Architecture department. Bussiness Ad ang course nilang magkakaibigan pero balibalita daw na masarap yung binebenta sa canteen ng Architecture building kaya naman doon na sila kumain ng breakfast.

"Pre, nakita mo yun? The princess was back." Architecture student guy #1

"Princess of what department ba yan pre?" Architecture student guy #2

"The face of Dimosio city college, Queen of Bussiness Ad department." Architecture student guy #1

"Talaga pre? tara tingnan natin!" Architecture student guy #2 tapos ay tumakbo na sila.

Napamaang na tumingin si Keanna sa mga kaibigan niya na busy sa paglamon ng kanya kanyang pagkain. JC, Kaloy were sharing foods while si Sofia naman nagsosolo. Si Jeremy naman hindi makakasama sakanila dahil meron pa itong tinatapos na project na kailangan i pass mamaya.

"Guys, did you hear that?" Tanong ni Keanna sa mga kaibigan. Tumigil sila sa pagkain tapos ay tiningnan siya.

"Ang alin?" tanong ni JC.

"Narinig niyo yun?" Tano ulit ni Keanna. Binatukan naman siya ni Sofia. "Tinagalog mo lang eh!"

Hindi niya pinansin yung pambabatok sakanya, "Seryoso ako guys! Narinig niyo ba yung pinaguusapan nung dalawang lalaki kanina?" tanong niya sa mga ito.

Nagsitaasan yung kilay nung tatlo at sabay sabay na umiling. Napabuntong hininga siya. Paano nga ba maririnig? Eh lumalamon yung mga ito. Nakatingin lang sakanya yung tatlo at tahimik lang sila ng may magsalitang dalawa bakla na papasok sa canteen pero dadaan sa pwesto nila.

"Bes, nakita mo ba siya kanina? Gosh, bes! Pumasok na siya ulit." HRM Student gay #1 (napadpad lang sa Architecture dahil madaming gwapo)

"Ay nako, Oo bes! Matatabunan nanaman yung ganda natin dahil sa Bussiness Ad's Queen na yun!" HRM Student gay #2

"Pero infairness bes, Ang ganda niya parin! Oh diba? Aminin!" HRM Student gay #1

Napabuntong hininga pa ito, "What to expect? Its Angiela! Eh nung ginawa siguro siya ni lord super duper chorva bonggang bonggang effort ang ginaga ni lord, eh tayo? Hay! No comment. Halika na nga!" HRM Student gay #2

Nagkatinginan silang apat ng makaalis na yung dalawang bakla at walang sabi sabing tumayo at niligpit yung gamit nila.

**

Angiela

Huminga ako ng malalim saka naglakad papasok ng school. This is it! hah! Monday ngayon at ngayon nga ang 'Pagbabalik' ko kuno sa school. Masaya ako pero at the same time super nervous! Iniisip ko parin kasi yung nangyari nung last time na pumunta ako dito. Hindi ko alam if they found out na ako yung babaeng kasama ng mga crushes nila or baka sinabi na ba ni Jeremy or what. I still don't know!

Mga 8 ang pasok ko kaya 7:30 pa lang nandito na ako sa school. Kanina pa ako luminga linga kasi naman hindi ko pa rin nakikita sina Sofia. Mga early riser kasi yung mga yun at sa magkakaibigan, ako lang yung pinaka late gumising at pumasok kaya nakapagtataka na hindi ko sila nakikitang umaaligid dito ngayon.

Hanggang sa mag time na, hindi ko parin sila nakikita kaya agad na lang ako dumeretso papasok sa first subject ko which is subject din nilang lima. Siguro nasa classroom na yun sila. Papaakyat na ako ng hagdan papunta sa subject ko, Iniisip ko parin yung kung ano ang sasabihin ko sakanila kung paano ako nakapunta sa poder ni Jasper, nakapunta sa poder nung 'minamahal' kuno nila. Nakakakilabot lang.

Ilalagay ko na sana yung headset ko ng natigilan ako sa paglalakad. Nakatayo mula tatlong metro sa kinakatayuan ko sina Keanna, sofia, JC at kaloy. Nakatingin lang sila saakin at ganun din ako sakanila. Mga ilang minuto din saka tumalikod na si Sofia. Napayuko na lang ako ng inakala kong galit sila saakin kaya ganun na lang yung gulat ko ng Biglang nagtilian si Sofia at keanna at hindi pa ako nakakapag react ng agad nila akong niyakap ng sobrang higpit.

The CEO and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon