Chapter 11

105K 1.4K 35
                                    

Angiela

Humiga ako sa dalampasigan ng mapagod ako sa kakalakad. Kanina pa kasi ako naglilibot sa buong resort at wala pa ata ako nakakalahati eh napagod na ako. 7:30 na kasi kaya wala na masyadong tao sa may bandang dagat at sabi nga nila, safe dito. Safe na safe kaya humiga na lang ako.

Tumingin ako sa ulap. Its been 5 years ata nung huli akong mag stargazing. Kasama ko pa noon yung mga high school classmates ko.

Ang dami ng bitwin! I try to count them all pero kakasimula ko pa lang, nawawala na ako. Tinitigan ko lang yung mga star. Naalala ko ganitong ganito din ang ginagawa ko noon kapag pinapagalitan o di kaya pinapalo ako ni tatay. Sa star ko binabahagi lahat lahat. Masaya man o hindi.

Naalala ko pa noong maliit pa ako. Galit na galit yung tindera sa palengke dahil kumuha daw ako ng paninda niyang pandesal eh hindi naman ako talaga yung kumuha. Yung kapit bahay naming lalake na kasing edad ko rin. Ako yung tinuro ni rep-rep na kumuha ng tinapay kaya saakin nagalit yung tindera at pinalo pa ako sa binti. Hindi pa nakuntento ay sinumbong pa ako kay tatay kaya ayun, sinintoron pa ako ni tatay at isang oras na pinaluhod sa bigas. Iyak lang ako ng iyak dun dahil nanginginig na yung tuhod ko sa pagod. Tapos nun ng makatulog na si tatay, agad akong umakyat sa bubong ng bahay at nag iiyak habang sinasabi sa star na hindi naman talaga ako ang may kasalanan.

Napangiti na lang ako ng mapait sa naalala. To think na dalawang piso lang yung pandesal ay hindi niya pa mabigay. Napailing na lang ako at inalis yun sa isip ko.

Ilang minuto lang ako nakapikit at nakahiga doon ng may maramdaman akong humiga sa tabi ko kaya agad agad akong nagmulat ng mata at napalingon sa tumabi saakin. Napakunot noo ako.

"Jasper?" Nakaderetso lang yung tingin niya sa langit kaya napatingin na lang din ako sa langit. Tahimik lang kami ng bigla siyang magsalita.

"Did you know that when you wish upon a star, your a million lightyears late? You're too late that the star is dead and can't grant your wish anymore."

"How sure are you?" Tanong ko habang hindi inaalis ang tingin sa langit.

"It's a fact, Angel." Sabi niya. Napatitig na lang ako sa mga star. Isang mahabang katahimikan ang namagitan saamin. Naramdaman ko siyang gumalaw.

"Angel?"

"Hmm?"

"I know someone who likes you a lot."

Napakunot noo ako at napatingin sakanya. Namumula yung tenga niya. Tama ba yung narinig ko? "Anong sabi mo?"

"Forget it!"

"Hindi! May sinabi ka eh!" Tumayo siya kaya hinila ko siya paupo ulit. "Aww!" Daing niya pero hindi ko pinansin.

"Ano nga sabi?!" Tanong ko sakanya. Tiningnan niya ako sa mata.

"I know someone who likes you a lot." Seryoso niyang sabi habang nakatingin ng deretso sa mata ko. Napaluwag yung pagkakapit ko sa kamay niya kaya tumayo na siya.

Ano daw?

ng mapansin kong umalis na siya ay agad akong tumayo at pinagpag ang damit at patakbo siyang hinabol. "Teka lang naman!"

Tahimik lang kaming naglalakad. Sinusundan ko lang siya dahil siya yung may alam ng way papunta sa kung saan kami tutuloy. Kasi kanina nakagising ako sa isang kubo kaya hindi ko alam ang way papunta sa kung saan kami matutulog.

Nakatingin lang ako sa likod ni Jasper. Hindi siya nagsasalita kaya ako na lang yung magtatanong. Kanina ko pa kasi ito gustong itanong kaya Angiela, fighting! Kesa naman mamatay ako sa sobrang pag-iisip dito!

The CEO and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon