Chapter 8

12 1 0
                                    

Mildred

Matapos ang tampuhan days naming mag kakaibigan ay bumalik naman kaagad lahat sa normal



Dahil sa sobrang bilis ng araw at oras ay di namin alintana na malapit na pala ang paliksahan ng dance contest na sasalihan at gagawin sa park ng skwelahan namin




Bakit naman kasi parang isang tulugan lang ginawa namin tapos ayon na, malapit na ang D-day ng contest.



Alam ko naman na sobrang pag pa-practice ang ginawa namin para maipanalo ang competition na ito



Pero dahil nga sa mga awayan, asaran, tampuhan naming apat ay hindi kami gaanong naka focus




May isang araw nga na parang wala kami sa sarili kung sumayaw kasi akalain mo para kaming walang tulog



Lutang na lutang tapos hindi sumasabay sa beat yung pag galaw namin, mabuti nalang at hindi kami napapansin ng coach




Pero I think alam niya, di lang muna siya nag sasalita kasi pinapatawad muna niya or maybe wala siya sa mood para magalit, ganda diba. HAHAHAHAH!!.



"Nak, bumili ka nga muna don ng sibuyas" utos sa akin ni mama



"Ano po?, sibuyas?, bakit po?, wala na bang sibuyas?" pagtatanong ko




"Ehhh, bakit!!? mag uutos ba ako na bumili ka don ng sibuyas pag meron pa tayo?!, sige sabihin mo?!" aniya



"Hindi po?"



"Ay sumagot pa talaga oh!" sabi niya sabay abot sa perang pambili



Malamang sasagutin ko talaga kasi gusto niya marinig opinyon ko eh, tapos ngayon naman na sinagot ko na nagalit!, tapos naman pag di ko sasagutin magagalit pa din, ewan ko nalang.



Habang naglalakad ako papunta kina aling susan ay bigla nalang akong bumalik sa bahay ng hindi pa nakakabili ng sibuyas.



"Oh, nasan na ang sibuyas?" sabi ni mama ng may pagtataka


"HUH?!" sabi ko ng may gulat ang mukha "ay oo, nga pala, ma teka muna saglit ah may mga nag iinom-an pa kasi dun kina aling susan, baka pagka isahan ako lalo na't mga binatang tambay yung nag iinum-an dun" pagpapaliwanag ko


"Akin na nga yung pera!, ako na ang bibili, ba ka naman ata hindi tayo maka kain dahil lang diyan sa mga nag iinum-an kina aling susan"



Nang papaalis si mama para siya na ang bumili ng sibuyas ay di pa rin siya tumitigil sa pag bubunga nga sa akin




Kahit di ko na naririnig mga pinagsasasabi niya ay patuloy pa rin siya, dahil daw kasi ayaw ko lang mag pa utos tapos kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya.




Pagdating ni mama kagagaling sa labas ay nagulat nalang ako ng bigla siyang sumigaw at tinawag ang pangalan ko dahilan upang mapalabas ako ng kwarto.



"Ano po?" taka kung sabi, sabay nakita ko na umuusok na yung kanin yun pala nasusunog na at nangangamoy na.



"MIIILLLLLDDDDRRRREEEEDDD!!" patay ako nito "ANO BANG PINAG GAGAGAWA MO AT DI MO MAN LANG BINANTAYAN TONG NILULUTO KO!!!"




"HINDI MO MAN LANG TINIGNAN KUNG ANO ITO, SANDALI NGA LANG AKONG LUMABAS TAPOS ETO NA ANG MAKIKITA KO, DAHIL SA GINWA MO, DI KA MUNA KAKAIN!" yun tapos, di mo na raw ako kakain, HUHUHU!!




Goodbye, To Whom I CherishWhere stories live. Discover now