Part III. About Making Your Own Destiny

14 0 0
                                    

"Sige... may tinatapos lang ako pero uuwi ako agad."  Masiglang sabi ni Joy sa kabilang linya. Ang Papa Arnold niya iyon, tinatanong kung susunduin siya. Napansin niyang nakatingin sa kanya si Matthew. She flashed him her killer smile. Tumango lang ito,  olats. Kasama nito ang mama nito dahil may ipapagawang gown para sa event sa ospital. Designer-Apprentice na siya ni Keekay at binigyan siya nito ng kalayaan na magdesign para sa mga kliyente nito kung gugustuhin ang design niya.

Mukhang istrikta ang nanay ni Matthew, perfectionist. Sabagay, magaling ang mata nito sa mga detalye at high class ang gusto. Meron itong nagustuhang gown na design niya pero ang design ni Keekay ang nagwagi na ipatahi nito.

"Hija you looked familiar." sabi nito.

"Naku ma'am, kayo po kasi yung judge sa sinalihan kong beauty contest dati..." sabi naman niya.

"Ah oo," sabi nito na ngumiti, "tama ang desisyon ko, ang ganda mo."

"Thanks po," nahihiyang sabi niya pero kinikilig siya dahil approve siya sa mommy ni Matthew.

... ... ...

Habang nagkwekwentuhan sila Joy at ang mommy niya, may isang bagay ang bumabagabag sa isip niya. Tatlong taon na  din  ang lumipas at ang alam niya ang ngayong taon na uuwi si Grace. Pero hindi siya makabwelo  dahil siya mismo  ay nagdududa kung pakikibalitaan pa si Grace. Eto  nanaman sya tungkol kay Grace.

But whatever, to hell with her anyway, right?

Tapos na siya sa kalokohan kay Grace. To hell with her. Curious lang siya kung uuwi na nga ito talaga, yun lang. Sa totoo lang nakakainis ang pamilya nito. Masyadong perpekto, masyadong nagmamahalan.

Gusto niyang batukan ang sarili sa mga iniisip. Isa pa, to hell with Grace  na nga di  ba?

Madami  ng nangyari sa kanila. OK na siya, hindi na kailangan ungkatin  ang mga nakaraan.

... ... ...

"Kuya!!!" tili ni Nicole habang patakbong inakap si Jacob. "Ate Grace!"

Niyakap din siya nito, finally, nasa Pilipinas na nga siya. Napansin din niyang kasama nito si Paul, beso din ang bati nito sa kanya. Sabay sila ni Jacob umuwi  ng Pilipinas. Excited na siyang  makita muli ang pamilya. 

"ATE!!!" eskandalosang tili ni Joy, hindi na napigilan ni Grace ang mga luha sa boses palang ng kapatid. Mahigpit niya itong niyakap.

"Ate!!! Sabi ko na sobrang mamimiss mo ako eh!!!" mahigpit din siyang niyakap ni Joy.

"Sobra." yun lang ang nasabi niya.

"Kita nyo na, sabi ko naman sa inyo matapang itong si Ate pero pag dating sa akin iyakin ito!" pagmamayabang pa ni Joy kila Jacob. Naging magkaibigan sila ni Jacob, lagi itong nandoon para  samahan siya sa Dubai. Pero madalas makauwi si Jacob sa Pilipinas dahil hindi naman ito nandoon  for  good. Ito ang nagsilbing messenger/delivery boy niya sa pamilya.

"MAMA PAPA!!!" mahigpit na yakap din ang ibinigay niya sa mga ito. "Nandito na po ako."

Sa dinami dami ng hirap na pinagdaanan nila, eto na ulit siya, masigla  ang kapatid  nya at masaya ang pamilya nila.

 ... ... ...

"Boyfriend mo na ba yung si Jacob?" tanong ni Mama Agnes habang tinutulungang niyang magligpit ng mga pinagkainan.  Napa-ismid naman siya. Madami  ang  nagbago  habang  wala siya, isa doon ay nakatira na pala sila sa condo. Tuluyan ng nawala  sa kanila ang  isinanlang lupa at bahay ng papa niya. Pero hindi na siya nagpakasentimental pa, nangyari na  ang  mga nangyari at  ang dapat nalang  niyang gawin ay mag-adjust.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon