Part II. About Mismatched Pairs

86 1 0
                                    

"Grace pstt..." tawag ni Da sa kanya, siya na pala ang next sa interview, nakatulala pa siya sa kawalan, "Gurl, smile and pose lang, pack  na tayo sa Dubai, wag kang masyadong mag-isip ng malalim."

Kung ganon nga lang sana kadali, bumuntong hininga siya at  ngumiti, "Hi! I'm Grace Dela Rosa..."

Nagpasalamat siya at nairaos niyang mabuti ang interview. Mukhang OK naman siya dahil nakangiti ang mga professors niya. She's hoping for the best dahil para yun sa family niya. Para kay Joy.

"Grace, this is it," masayang  sabi ni Da. "Gagraduate tayo ng may nagaantay na  trabaho!"

Nakita niyang papalapit si Felix at  parang nandidilim nanaman ang paningin nya, "Da, mauna  na muna ako, may halimaw  kasi sa paligid."

Dahil may  mga inaasikaso siya sa school, nakikibalita nalang  siya sa nangyari  sa kapatid. Depressed daw itongayon  at hindi  maganda ang lagay sa kasalukuyan. Hindi naman na lumapit si Felix.

Sabi ng Papa Arnold niya, pupunta  ito ngayon sa boss nito para isanla ang mga ari-arian nila, siya naman  ay mag-aantay sa foundation para sana marelease na ang kakailanganing pera para sa operasyon ni Joy. Tapos non ay ang pinakamahirap na testing sa dugo niya para masigurong compatible  sila  ni Joy. Yun ang pinakakinatatakutan niya dahil takot siya sa dugo o sa tusok ng injection.

...

"YOU ARE SO UNFAIR!" nadinig niyang  hiyaw pagpasok palang niya sa kwarto. "SINO KA BA PARA PIGILAN AKO!"

Yun ata si Nicole, yung babaeng nakita nila  ni Mama Agnes noong last  time na nagpunta sila. Sinisigawan nito ang lalaki  na kaharap,  siguro yun ang kuya.

"Don't you dare shout at me Nicole." matigas din na sabi ng  lalaki. "Get in my car and  stop this nonesense."

Galit si Nicole at padabog  na lumabas ng kwarto. Habang finally ay napansin din siya ng  kuya nito.

"Sorry," parang nahihiya nitong sabi sa  kanya, "Lumabas lang sandali yung secretary dito."

"OK. Mag-iintay lang ako dito."  sabi nalang niya.

"What the hell..." biglang tumakbo ang lalaki papalabas at nakita niyang sumakay sa taxi si Nicole. Nadinig pa niyang hinihiyaw nito ang  pangalan ng kapatid. Maya maya ay naglakad itong pabalik sa opisina at naupo na parang pagod  na  pagod.

Tumayo siya at  kumuha ng malamig na tubig, off limits ang mga tao dun pero wala naman atang ibang tao pa kundi silang dalawa. Isa pa hindi naman para sa kanya yung tubig  kundi para sa anak ng may-ari ng foundation kaya wala namang problema.

"Uminom ka muna." sabi niya. Parang nagulat pa ito at naalalang may ibang tao. Alanganing ngiti lang ang binigay niya. "Kumuha na ako ng tubig dun sa may desk."

"Salamat," alanganing sagot ng lalaki pero ininom nito ang tubig. "I'm sorry ulit, dahil nakita mo pa yung scene na yun."

Bumuntong hininga ito.

"Wala yun, normal lang naman na nagkakaaway ang magkakapatid..." sabi niya.

"..." 

"May nakakabata din akong kapatid, Beauty Queen pa nga eh." sabi nya  na ginagaya ang tono ni Mama Agnes twing babanggitin ang kapatid, "Kaya lang nagkasakit."

"Oh," sabi naman nito, "but you both are girls. Hindi ka masyadong mahihirapan, me, I'm the only guy in the family, and well, as you can see, my little sister has a lot of problems with me."

"Hmmn... baka kasi masyado kang strict."

"I have to, ang bata bata pa ni Nicole, she has a boyfriend and who knows what will happen if I let them run loose."

My DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon