Dos

8.3K 264 36
                                    

Aubree Laurent Valtimore


"Aubree, I really love her. Please kahit dito lang masuportahan mo ang desisyon ko. She's nice at tinanggap niya ako kahit na may anak at balo na ako." pakiusap ni daddy habang nakatayo lang kami sa harapan ng pinto.

"Hindi ganoon kadali ang hinihiling mo daddy. Masakit sa part ko na tuluyan mo na ngang papalitan si mommy sa puso mo pero sige pagbibigyan kita dahil nga karapatan mo din lumigaya dad. Anak mo lang naman ako." malamig na sabi ko.

"Alam ko anak at salamat sa pag-intindi mo. Sana dumating ang panahon na matanggap mo na si Vanessa." hindi nalang ako umimik sa sinabi nito. Napabuntong hininga nalang siya.

Triple ang laki ng mansion niya sa bahay namin napansin kong madami din itong kasambahay. Paano kaya napaibig ni daddy ang dragon na yon? Ginayuma ba niya? She's filthy rich.

Anong nakita nito kay dad? Di hamak na maraming manliligaw na mas bata kaysa kay daddy.

I put a candy in my mouth nang biglang may nagsalita. "Your dad and I have something to  discuss with you." bumara yon sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong makahinga.

Sa snowbear pa ata ako mamatay.

"Oh my gosh, Aubree!" tili niya Hindi ko na masyadong pinansin hawak-hawak ko lang ang lalamunan ko naramdaman ko nalang na may humahampas sa likod ko.

She bit her lower lip.

Nakakapaso ang kamay nito at sa totoo lang nagkakaroon ako ng weird feelings.

"Okay, sure, what's going on?”

"We are getting married." walang paligoy-ligoy na sambit ng girlfriend ni daddy. Napanganga ako at galit na bumaling kay daddy na tumango lang.

Dad's getting married again .Dad's got to be out of his mind!

"Hold on,” I protested, nakatingin lang silang dalawa sa akin.

"Ngayon palang kami nagkita then sasabihin niyo sa akin na magpapakasal na kayong dalawa? Really dad? Hindi na ba importante ang opinion ko?"

Tahimik lang silang dalawa habang nakatingin sa akin.

"Dad tells me he loves you and now you two are getting married." mahinang sambit ko hahawakan sana ako ni dad nang tabigin ko ang kamay niya.

-
-
-

I had to start over with nothing.  Napahinga ako ng malalim habang mahigpit na nakahawak sa strap ng bag ko. Luckily, may konting cash ako para makapag rent ng apartment.

Naglayas ako at sinabi kay daddy na wag akong susubukan hanapin. Total magpapakasal naman silang dalawa at bubuo ng pamilya at ako magiging outcast nalang. Hindi na ako ang priority ni daddy.

Panay ang scroll ko sa Facebook post naghahanap ng magandang apartment. "Buendia," sigaw ng kundoktor na nasa harapan ng bus.

"Hijo patulong naman ibaba itong dala ko." pakiusap ng matanda na may hawak na plastick. Agad naman lumapit ang konduktor para kunin ang traveling bag sa paanan ng matanda.

"Ang bigat naman nito Lola. May kasama ka ba?" tanong nito sa akin.

"May nakikita ka bang kasama ko?" mataray na sagot sa kanya ng matanda kaya napakamot nalang ito ng ulo.

Bumaba na ako at nag grab para idala ako sa location kung saan may nagpaparent ng room. Maganda ito sa pictures kaya balak kong tignan sa personal.

"Seven thousand one month deposit one month advance. Sariling tubig at kuryente. Maganda dito dahil bagong gawa lang at libre ang wifi. May CCTV pa tayo sa compound. Naka grills ang mga bintana at double lock ang door." sabi ni Tiyang Cindy habang nagpapaypay halatang alagang rejuv ang mukha nito. Ang lakas maka glass skin e.

Ang cash ko lang dito ay fifty thousand. Kulang pa nga yon sa luho ko sa katawan.

"Kung di kasya sa budget mo pwede ka naman dito sa tapat ng apartment unit na ito. Kulang pa sila ng isang roommate." sabay turo nito sa tapat nakabukas ang pintuan non at nakita ko ang isang babae na tingin ko ay hindi nalalayo sa age ko at proud na proud ito sa boses niya habang kumakanta.

"Mga students ng Limerick University ang umuupa diyan. 1,400 monthly maghahati kayo sa tubig at kuryente. Maganda yan sa mga nagtitipid." sabi niya na tumatango pa sa mga bumabati na boarders niya.

Ang napansin ko ay magkahiwalay ang babae sa lalaki kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Nakapagdesisyon kana ba neng?" tanong nito sa akin. Biglang lumabas naman ang dalawang babae mula doon. "Sino yang kasama mo Tita Cindy? Mukhang mayaman ha. Dinaig pa yang glass skin mo sa mala-porselanang skin niya." sabi ng isa sa kanila na hanggang balikat lang ang buhok at tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.

"Ah si Aubree nag i-inquire pa lang. Ang sabi ko nga diyan nalang siya sa inyo total mukhang student din itong si Aubree."

"Aubree si boyet nasa kabilang bahay. Gwapo yon at nag-aaral ng BS in Marine Transportation. Magaling sumisid proven and tested na ng ex-bestfriend ni Hillary." singit naman ng katabi nito na may pagka foreigner ang mukha may pagka Arabian ang facial features nito.

Sumimangot naman si Tita Cindy. "Hay kayong dalawa gustong-gusto niyo talagang  balikan ang nakaraan. Yong nabasag na videoke ko hindi pa bababayaran ni Hillary sa akin. Nagberdagulan ang dalawang eba para lang sa pototoy ni Boyet."

"Alam mo naman po na sobrang mahal ni Hillary ang ex-boyfriend niya at masakit sa part niya na inahas ng best friend niya."

"Oo na pakisabi kapag dumating na si Hillary yong pambayad niya sa binasag na videoke ko. Twelve thousand din yon." ani Tita Cindy na humalukipkip pa.

"Kaya nga umuwi ng probinsya nila dahil ibebenta niya yung alagang baka at baboy nila. Takot na ipa baranggay mo e." sabi ni arabiana na nakapamulsa. Bakit naka jacket ito tirik na tirik ang araw mukhang sanay ata sa init.

"Mabuti naman kung ganon. Alam niyo na ang asawa kong si Torio mainit ang ulo dahil hindi nakapag videoke nong bday niya." sabi nito at bumaling na sa akin ng tingin. "Oh sya, Aubree kukunin mo ba?" tanong nito sa akin na medyo naiinip na.

"Dito kana lang sa amin beh. Kulang pa kami ng isa. Wag kang mag-alala harmless kami at hindi nangangagat. I'm Beatrice nga pala taga Malolos Bulacan at ito naman si Xyla taga Pampanga at masarap magsisig yan." nakangiting sambit nito sa akin. Magaan ang loob ko sa kanila pero mukhang sasakit ang ulo ko sa ingay.

Aubree, You're broke remember? Kailangan mong tanggalin ang nakasanayan mong buhay. Hindi ka uuwi sa daddy at girlfriend nito na talunan.

Nagulat ako ng hawakan ako ng dalawa sa magkabilang braso. "Sige na doon kana sa amin. Promise sasaya buhay mo." pangugumbinse nila. I guess, wala naman masama kung i-try ko.

Sa huli ay pumayag nalang ako. Nag bigay ako ng 2000 kay Tita Cindy dahil 1000 per person na dahil nga ako ang nadagdag kaya nabawasan ng 400.

"Girls! May bago tayong ka roommie. Si Aubree nga pala."

My Daddy's Girlfriend_ Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon