Uno

18.8K 359 75
                                    

Aubree Laurent Valtimore

Naluluhang pinapanood lang namin ni daddy na kinukuha ang mga mamahaling gamit namin sa bahay. Masama ang loob ko kay dad dahil mula ng hawakan niya ang business ni mommy ay unting-unti itong nalugi. Nagkaroon ng bisyo si daddy at madalas ay nasa casino siya habang nilulustay ang naiwang pera ng mommy ko.

Tuwing pinagsasabihan ko ito tungkol sa bisyo niya ay nagagalit at ang laging nirarason sa akin ay pampalipas oras niya para hindi niya maalala ang pagkawala ni mommy.

Nakita kong hahawakan ng dalawang lalaki ang grand piano ni Mommy nang mabilis ko silang lapitan para suwayin sila. "No, wag yan. May sentimental value siya sa mommy ko. Gift pa ito ni grandma sa kanya."

"I'm sorry Miss Valtimore pero ginagawa lang namin ang trabaho namin. According sa agreement ng daddy niyo lahat ng bagay dito sa mansion ay kailangan naming kunin. Hindi namin pwedeng suwayin yon dahil kami ang nawawalan ng trabaho at sana maintindihan mo yon." humihinging pasensiya nito halata ang awa sa mata niya pero wala itong magagawa. Nanghihina na napaupo nalang ako sa upuan at masamang binalingan ng tingin si daddy.

"Are you happy now? Nawala na sa atin ang lahat dahil sa pagiging selfish mo dad. Dinamay mo pa ang mga gamit ni mommy na may sentimental value sa kanya. You're so selfish and irresponsible." ito ang unang beses na pinagtaasan ko ng boses si daddy.

Nagulat ito at hindi nakaimik halata ang guilt sa mukha ni daddy. Maya-maya lang ay nakita ko naman na may bitbit galing sa itaas.

I frowned a little in thought. No! It can't be.

"Hey, Saan mo dadalhin yan? Violin ni mommy yan." inis na singhal ko sa lalaki pero natuloy lang siya naglakad lalapitan ko sana nang biglang may pumasok na lalaki.

Lumapit naman ang attorney sa amin may bitbit itong briefcase. "Mr. Valtimore. I'm Attorney Jake Perez" bati nito kay dad sabay lahad ng kamay na siya namang hinawakan ni daddy para makipag handshake.

"Pinapasabi ni Miss Brown na bibigyan niya kayo ng 3 days na palugit para maghanap ng bagong lilipatan. Here's the fifty thousand tulong na daw niya sa inyo." sabi nito habang binubuksan ang brief case inilabas nito ang isang bundle ng pera at inabot kay daddy yon.

"Sa inyo na yang pera ninyo. Hindi namin kailangan yan. Isaksak mo yan sa ngala-ngala ng amo mo."tiim bagang na sabi ni daddy. Galit na galit ito nakakuyom na din ang kamao.

Natawa naman ang Attorney Perez na tila nang iinsulto yon. "Walang-wala kana nga mataas pa din ang pride mo. Hindi ka mapapakain niyan Mr. Valtimore." naiiling ito sabay sulyap sa akin tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa.

"Leave!Bago pa kita mapatay." galit na singhal ni daddy na itinuro pa ang pintuan. Nakangisi lang si Attorney halatang mas lalo niyang inaasar ang daddy ko.

Tahimik lang ako sa gilid gusto kong magalit at manumbat pero hindi ko magawa. "I'm sorry anak nadamay ka pa sa maling desisyon ko sa buhay." he paused at naiiyak na nakatingin sa akin.

"You're stubborn and impossible to deal with sometimes. But..." He paused again nagsusumamo ang mga mata nito. "

Isa-isang lumapit ang mga kasambahay at bodyguards namin. "Wag kayong mag-alala three months niyong sweldo ito. Pasensiya na kayo at napunta tayo sa gantong sitwasyon." malungkot na sinambit ni daddy yon naiiyak naman ang mga kasambahay at bodyguards namin na matagal nang nanininilbihan.

Isa-isa silang tinawag ni daddy para i-abot ang 3 months salary nila. Ang iba ay umiiyak na kinuha yon at niyakap si daddy hanggang sa huling tinawag ang Mayordoma nang mansion.

Ang nag-alaga sa akin mula sanggol palang. "Hindi ko kukunin yan Lorenz. Kayo nalang ang pamilya ko at hindi ko kayo iiwan sa hirap man o ginhawa." matigas na sambit niya kay daddy.

My Daddy's Girlfriend_ Short StoryWhere stories live. Discover now