0.1

34.3K 1.5K 962
                                    

NOTE: hindi ako nakapag-update kahapon kay chinna so pambawi lang haha. very short seannie-cholo scene. part 40 something. less than 1k words.

* * *

"Gusto mo bang manood ng movie?" tanong ko sa kaniya.

Pagala-gala pa rin ang tingin niya sa kuwarto ko. Ewan ko kung ano'ng hinahanap. Baka namamangha na malinis.

Malinis naman talaga ako sa kuwarto. Nineteen na 'ko, nakakahiya naman kung mapapalo pa 'ko ni Mama dahil sa kalat. Saka, s'yempre, nilinis ko nang todo kasi alam kong pupunta siya. Pati nga bedsheet at punda, pinalitan ko.

Umiling siya sa may dibdib ko. "No." Maamo ang pagkakasabi niya. Baka inaantok na?

Nalilibang akong paikot-ikutin ang laylayan ng buhok niya sa daliri ko. Lambot e. Ang bango pa. Amoy prutas na matamis.

"Cholo," tawag niya, malamyos pa rin ang boses. Humigpit nang bahagya ang kapit niya sa baywang ko. Napalunok ako agad.

Patay tayo niyan. Gabi na. Tulog na ang mga tao sa bahay. Tulog na sina Ate Trix at Ate Chey sa kabilang kuwarto. Dapat matulog na rin si Seannie.

"Tulog ka na, Seannie. Magda-drive ka pauwi, 'di ba? Baka antukin ka," sabi ko sa kaniya pero umiling lang siya.

Lalo lang siyang lumapit. Napatigil ako sa paglalaro sa buhok niya. Nako.

Dumistansya ako nang kaunti. Akala ko hindi niya mapapansin pero umangat agad ang ulo niya para tingnan ako.

D'an tayo nadadali e. Sa ganiyang tinginan. Ang bait pa naman ng mukha ni Seannie, lalo na 'pag walang make-up. Mas maamo siyang tingnan. Mas nakakatukso.

Nag-pout pa talaga siya. Nagngitngit na ang ngipin ko sa pagpipigil. Dapat ata sa terrace ko na lang siya niyaya. Kaso naisip ko kasi na baka antukin siya agad, kaya sa kuwarto ko na lang. Dapat pala, 'di na lang ako nag-lock ng pinto.

"Ano 'yon?" tanong ko dahil mukhang may gusto siyang i-request. Sana lang talaga hindi delikado sa puso 'yung request niya.

Imbes na sumagot e dinampian niya ng halik ang tungki ng ilong ko. Ang kamay kong nakatago sa ilalim ng kumot, naikuyom ko na.

Namula nang bahagya ang pisngi niya. Kita ko dahil hindi ako nagpatay ng ilaw. Mas delikado pala kung patay ang ilaw.

Nagtagal ang titig niya sa 'kin. Hindi ko gusto 'yung mga ganiyang tinginan. Kinakabahan ako.

Takte. Patay ako kay Mama.

Bahagyang humagod pataas ang palad niyang nasa dibdib ko. Nahigit ko naman ang paghinga ko. Busog na ako kalulunok ng laway, habang mukhang hindi naman namamalayan ni Seannie ang epekto ng mga pinaggagagawa niya sa 'kin.

"What if gumising si Chey?"

Ah, so 'yon pala ang bumabagabag sa kaniya. Umiling ako. Hindi 'yon magigising nang basta.

Saka ko lang nahalata ang takot niya na mahuli kami ni Ate. E, ano naman? Wala naman kaming gagawin sa kuwarto ko. Hihiga lang. Tutulog. Basta pirmi lang siya e.

"Tulog na tayo, Seannie." Halos magmakaawa na 'ko. 'Di ko na kayang tagalan yung tingin niya kaya pumikit na ako. Baka makagawa ako ng masama.

"Hmmkay," halos bulong niyang sabi. Lumundo nang bahagya ang kutson.

Akala ko makakahinga na ako nang maluwag pero naramdaman ko naman ang labi niya sa labi ko. Napamulat ako agad.

Wala na. Gising na naman ang diwa ko.

Gising na gising.

Dampi lang 'yon. Sasaglit. Kaya nga 'di ko hinahalikan pagkarating sa kuwarto ko, kasi hindi naman ako nakukuntento sa gano'n. Tapos siya naman 'tong bumanat. E pa'no na 'ko?

"Saglit lang," pigil ko sa kaniya bago pa siya bumalik sa puwesto niya kanina.

Napatingin ako sa family picture namin sa may computer ko. Putek. Nanonood si Mama. Bawal ako gumawa ng kademonyohan.

Malambot ang labi niya. Ang isang kamay ko, nakakapit lang sa kutson. Mahirap 'pag dalawang kamay ko ang hahawak sa kaniya. Baka makalimutan kong nakatingin sa 'kin si Mama.

Palagi pa namang parang nahihiya at nanghihina ang labi ni Seannie. Mas nakakagana tuloy. 

Napangiti ako agad nang mapansing humahabol pa rin ang labi niya kahit na humiwalay na ako. Namumula na naman ang pisngi niya. Pikit pa ang mata. Good luck sa 'kin kung pa'no ako sa mga susunod na araw 'pag naalala ko 'yung ganitong itsura niya. Cute niya e. Cute din niya para sa katinuan ko. Hay nako.

Na-realize niya atang tapos na dapat kami kaya siya nagmulat. Medyo nanlaki pa ang mata niya. Nahiya siguro kaya mabilis na nagtago at sumubsob sa dibdib ko. Ang cute-cute. Sarap ibulsa.

"Let's sleep." Siya pa talaga ang nag-aya ngayon. Palibhasa nahihiya. E kanina ko pa siya sinasabihan, ayaw niyang sumunod.

"Tulog ka na. Bukas na ulit ang kiss," sabi ko para lang asarin siya. Humigpit ang yakap niya sa baywang ko.

"Shut up," mahina niyang sabi.

"Ayaw mo?"

Naka-pout na naman siya nang tumingala sa 'kin. Jusmiyo.

"'Wag mo nga 'kong asarin," parang bata niyang sabi. Natawa ako. Cute niya kasing mahiya, pa'no ko titigilan?

"Good night," bulong niya bago magsumiksik ulit sa tagiliran ko. Inayos ko ang pagkakayakap niya sa 'kin. Ang sarap yakapin.

"Good night na," tugon ko.

Maya-maya lang, tulog na si Seannie... at walang malay na gumagala ang kamay niya sa katawan ko. Ilang beses na akong muntikang mapamura pero ayokong magising siya.

Hindi ako nakatulog. Pagkagising niya, maamo lang ang ngiti niya sa 'kin, na parang 'di ako tinorture buong gabi. Cute talaga e.

* * *

The Art of Kissing Back (Cervantes Series)Where stories live. Discover now