27

19.1K 962 321
                                    

MESSAGES:
MGA CERVANTS NI MR. AND MRS. CERVANTES

Today 7:22 PM

KUYA
Sorry hindi ako makakauwi ngayon
Bawi talaga ako after grad 😊

ATE CHI
Ang corny mo naman
Nagluto akong spag

KUYA
Wow nagluto

CHOLO
Kaya di uuwi si Kuya para di mo siya mapilit na tikman yung spaghetti mo

ATE CHI
WAG KANG KAKAIN MAMAYA HA

CHOLO
Kakain na ako ngayon HAHAHAHA

KUYA
Cholo wag ka masyadong makulit diyan sa Ate mo

CHOLO
Luh
Siya nga yung makulit
Sabi ko kasi ako na magluluto e
Ang dami niyang sinayang na sahog talaga Kuya
Bakit ako na naman

ATE CHI
Gusto lang kasi magpasikat sa crush niya 🙄

CHOLO
Epal
E ikaw lang naman di marunong magluto dito

KUYA
Hahahahaha 😂
Gusto ko ngang matikman yung spag

ATE CHI
Wala na sa June na ulit! 🤬

CHOLO
Wag na te sisirain mo grad ni Kuya e

ATE CHI
Ang sama ng ugali mo
Kuya pupunta pa naman dito yung ibang friends natin
Sabi ko kasi uuwi ka

KUYA
Sorry talaga
Pasabihan na lang
Diyan na kayo may gagawin pa ko e hahaha

CHOLO
Di masarap yung spaghetti
🤢🤢🤢

ATE CHI
NAPAKA MO!!!!!
Kumain ka? Hintayin mo ko dyan

CHOLO
Joke lang
Okay naman
Baka hampasin mo na naman ako e
Pag tong utak ko naalog kahahampas mo
Tapos naging mas matalino ako sayo
Edi kawawa ka naman

ATE CHI
Sana abutan ka ni **** diyan mamaya
😈

CHOLO
Uso magtago sa kwarto
Di ka aware?

ATE CHI
Dito yun tutulog 😌
Bukas ng hapon pa yun uuwi
Pano pag si Mama na nagpalabas sayo? Di ka lalabas ng kwarto?
Testingin nga natin

CHOLO
Uy gago

ATE CHI
Ano sinong gago?????

CHOLO
SERYOSO KA BA

ATE CHI
🤷🏻‍♀️

The Art of Kissing Back (Cervantes Series)Where stories live. Discover now