The Bitter Wedding Coordinator

548 24 19
                                    

Masama bang mahalin ang bestfriend?

Bakit kasi nakilala pa kita. Pero hindi mo naman masisisi ang tadhana diba? Everything comes for a reason nga daw eh. Eto na ba yung sinasabing magiging role mo? Ang saktan ako? Ang mag-arrange ng mga dates mo. Bumili ng mga bulaklak na para sa Girlfriends mo. Ang sunduin ang mga Girlfriends mo. Pakshit lang diba?

Dinaig ko pa ang trabaho ng isang katulong/driver sa sobrang dedicated ko sa kanya. Bakit kaya hindi niya ako mapansin pansin? Na, ako yung laging nandito para sa kanya, sa tuwing nag-iisa siya. Ako yung kasama niya. 

Bestfriend na nga lang ba ako para sa kanya? Ang dami kong tanong! Pasensya na kayo. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. 

Hindi ko alam kung bakit nagpapakatanga pa ako sa kanya, kung marami namang lalaki diyan na handang mahalin ako ng buo.  Masakit man isipin na bestfriend lang ako para sa kanya, pero hindi ko naman maitatago yung ibang saya kapag nakakasama ko siya.

Tapos na kami pareho sa pag-aaral. 

Isa na siyang licensed Engineer, samantalang ako? Accountant na. Ayus na rin. 

Magkakasama pa rin kaming Barkada. Hindi kami nawawalan ng oras para sa isa't isa. Tuwing Friday or Saturday, meron kami palaging reunion. 

Pero ang laging kong nakakasama ay ang pinakabestfriend ko sa lahat. Si Cedric Benson Escobar  ang minamahal ko ng patago. 

Paano ba naman hindi ka maiinlove? E, kung hatid sundo ka niya sa office. Malapit lang kasi ang office namin sa kanila. Kaya hindi niyo rin ako masisisi. Siya yung ideal boyfriend ko, gwapo, sweet, mabait, matalino at marami pang iba. Kaso, may nakakaturn-off siyang side. 

Ang pagiging playboy.

Hindi siya matali sa iisang babae lang. Madali siyang mag-sawa. Tsk, kawawang mga babae. Hindi ko nga maimagine si Ced na matatali siya sa isang babae. Parang malayo pa mangyare yun. 

Ngayong araw na 'to, desidido na ako. Tanggapin man niya o hindi ang pagmamahal ko para sa kanya, ayos lang. Basta nasabi ko na ang mabigat kong nararamdaman. Matagal tagal ko na rin kasi 'tong kinikimkim. Kahit masaktan ako, AYOS lang.

Di ba, yun naman talaga ang tunay na Pag-ibig? In order na malaman mong totoo ito, kailangan mong masaktan, dahil kapag hindi ka nasaktan, isa lang ang ibig sabihin nun, at yun ay hindi ka nagmahal ng totoo.

Dumating na ako sa venue. Pero hindi ko ma-appreciate ang ganda nito dahil ibang hinahanap ang mga mata ko. Adik ba? Hahaha. Ngayon ko lang narealize na, hindi bagay yung suot ko dito. Naka-jeans and plain t-shirt lang kasi ako. 

Biglaan e. Hindi ko alam kung bakit pinagmamadali ako dito ng mokong. 

The Bitter Wedding CoordinatorWhere stories live. Discover now