18** The past **

1.6K 70 8
                                    

Chanyeol's POV

"Chan." Tawag niya sakin.

Bakit ka pa bumalik? Bakit ka pa nagpakita? Akala ko ba... akala ko ba...

Napatingin ako kay Baekhyun, lumakas ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga tingin namin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko. It was like he was milking out information based on my reaction. Bumaling ang tingin ni Baekhyun sa kanya at magsasalita na sana nang...

"Chan..." Tawag ulit nito na naging dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanya. I stared at her, showing no emotions. "Yeol..." I felt Baekhyun stiffen.

Hinawakan ko ang kamay niya, I tightened my grip on his hand. Naramdaman ko ang pagtingin uli niya sakin. Tinignan ko nang mabuti si... "Nana."

Baekhyun's POV

Naramadaman ko ang paghawak nang mahigpait ni Chanyeol sa kamay ko. Napatingin ako sa akanya at nakita kong nakatingin siya dun sa babaeng tumawag sa kanya.

"Nana." Kalmang sabi niya. WHAT?! So magkakilala talaga sila?!

At sino yang Nana na yan?! Wag niyong sabihin na------ay hindi! Hindi! Di pwede yun, wala namang sinasabi si Chanyeol na siniseryoso niysang ex diba?! Diba?! O baka may nagsabi na pero nakalimutan ko na agad?! Ah basta, di yun. Baka friend lang. Oo nga, baka magkaibigan lang sila.

"P-Pwede ba tayong mag-usap?" Nauutal utal na sabi nung babae, pinaglalaruan niya yung dalawang hintuturo niya habang nakayuko.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chanyeol, napalingon ako sa kanya at nakita ko ang pag-irap niya. Napatingin ulit ako dun sa babae.

Suminghap ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Chanyeol. Iba ang pakiramdam ko, ibang ibaa talaga. Parang may hindi ako alam eh, parang may nangyari.

"Oh, nag-uusap na naman tayo ah?" May halong sarcasm na sabi ni Chanyeol. Punong puno nang pait.

Unti unting itinaas nung babae ang mukha niya. Nakita ko ang paglaki nang mata niya ng tumapat ang kanyang tingin sa magkahawak naming kamay. Ilang saglit pa ay yumuko na naman siya at sinabing. "I-In private... pl-please?"

"Ano pa bang kailangan nating pag-usapan natin Nana? Tapos na naman diba? Matagal na." Ang huling sabi ni Chanyeol at hinigit na ako.

-.XxX.-

Matapos nang doorknob scene etchechu na yun ay laging parang spaced out si Chanyeol. Kadalasan nakatunganga lang siya, kapag tinatanong naman nang mga bagay bagay laging sinasagot niya... "Ha?" Parang ganun, di siya nakikinig. Malalim ang iniisip niya.

Ako naman, nagtatampo na, wala na kasi siyang time eh! Palagi na lang siyang nakatunganga, nagiisip nang kung ano! Putangna! Nagtataka na ako!

Lunch na ngayon, and as usual kami na naman ng Kaisoo at Hunhan. Wala na naman si Chanyeol, sinasabi may aasikasuhin daw.

May naisip ako. Baka kilala nila Kai at Luhan tutal naman diba, mas matagal nilang nakasama yung gagong yun.

Tinignan ko nang mapanuri ni Kai at Luhan na parang mga patay gutom kung kumain. "Hoy Luhan, Kai. Sabihin niyo nga sakin, may kilala ba kayong Nana? Eh ka-----------."

"Ackkkkkk." Natigil ako sa pagsasalita at napatingin sa kanila nang makita kong ibinuga nila ang mga pagkain na nasa bibig pa.

Tinaas ko ang kilay ko. "Ano ba! Ewwww, tinanong ko nga ang kung may kilala ba kayong Nana tapos ganyan na reaksyon niyo?! Uy! Are you alright?" Sabi ko sa kanila with paduro duro effect. Kaloka kasi yung mga to, nabilaukan. Ano ba kasing problema nila? Nagtatanong nga lang eh. Psh.

15 days to pretend | baekyeolWhere stories live. Discover now