21** The End? **

1.3K 56 20
                                    

Baekhyun's POV

Nanginginig ang kamay ko habang inunlock ko ang cellphone ko. Si Kai ang nagtetext... Di ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa pagtext niya.

I hesitated kung babasahin ko ba. Baka masaktan lang ako, baka baka. Joke.

From: Kai sunogItim

Baekhyun, malala na ang kondisyon ni Nana. Nag-aagaw buhay na siya. I don't know what to do. Ako kasi ang nagbantay sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla nagbeep yung machine na nasa gilid ng higaan niya kasi putangna di ako doktor! Kaya tumawag ako ng nurse- na hutang iners din, di alam ang gagawin. Tumawag na lang kami ng doktor. Kaya ayun. Nasa labas ako ngayon. Kasama ko ang parents ni Nana. Iyak sila ng iyak. You need to make your decision right now.

-Jongin

Ang lakas ng kabog ng pusoko...

Eto na ba talaga? Eto na ba ang katapusan ng kung anong mayroon kaming dalawa ni Chanyeol?

Bakit ba ang daming humahadlang? Bakit ba ang daming epal?

Napatingin ako kay Chanyeol na nagsimula nang magdrive. Masaya siya. Anong gagawin ko? Di ko siya kayang iwan, I love him too much for me to do such thing. Pero, kung ipagpapatuloy ko ang relasyon namin, may masasaktan, may mamatay, may mawawalan. Ang sakit isipin na iiwan ko na lang siya ng dahil lang kay Nana. Pero yun ang mas makakabuti diba? Ano nang gagawin ko.

Napakagat ako sa labi ko at napayuko. Looks like... it's all going to be over.

###

For the whole day pinigilan ko ang mga luhang gustong tumulo sa mga mata ko. Ang sakit sakit, parang tinotorture ang puso ko nito. Baka di ko kayanin.

Masaya siya.

Gusto kong makita ang mga ngiti niya araw-araw, maramdaman ang pag-ibig niya, pero parang imposible na... Gusto ko pero hindi pwede. Hindi na pwede, kailangan kong gawin ang mas nakakabuti. Di dapat ako maging makasarili. Tutal naman kung ipagpapatuloy ko to, mabibigyan ko ba siya ng pamilya? Hindi diba? Mabibigyan ko ba siya ng magandang buhay? Baka hindi baka oo.

Alam ko na baka di niya matanggap agad, na baka di pa niya kayanin. Pero, alam ko rin na makakalimutan niya rin ako...

Kasalukuyan niyang hawak ang kamay ko. Nakatingala kami sa kalangitan habang pinapanood ang pagpapaputok ng mga fireworks display ng amusement park na pinuntahan namin. Ang gaganda nila, kahit konti lang ang panahon nilang lumiwanag sa kalangitan. Siguro kanito rin yung relasyon namin ni Chanyeol, our glow only has a short span of time to shine.

"Chanyeol, pwede bang may puntahan muna tayo?" Sabi ko at nilingon siya.

Mapayapa ang mukha niya na tila nilalasap ang moment naming dalawa. His lips curved into a smile as he tilted his head into my direction. "Sure." Sagot naman niya at nagsimula nang maglakad patungo sa kotse niya.

Hindi ko alam kung makakaya ko bang makita siyang nasasaktan.

###

"Dito na lang tayo." Pinatigil ko sa kanya ang kotse ng makatapat na namin ang hospital kung saan naka-admit si Nana.

Naramdaman kong nagulat siya kung bakit nandito kami at magsasalita na sana nang unahan ko siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil pisil ito. "Lagi mong tatandaan ha? Lahat ng gaagwin ko ay para sa'yo. Lahatnng iyon ay gagawin ko para sa ikabubuti mo. Mahal kita Chanyeol. Mahal na mahal. Lagi mong tatandaan yan." Hindi ko na mapigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

15 days to pretend | baekyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon