My Girl: Ms. Terious

72 2 0
                                    

My Girl: Ms. Terious

~

Chapter 1

Alfred’s POV

Pesteng research paper yan kailangan pa talaga mag hanap sa mga libro. Naknampucha! Kaya nga may internet para mas mapadali tas ngayon papahirapan kami? PESTE talaga!

Nandito ako ngayon sa isang Private Library. Bakit private? Dapat ay member ka muna bago ka makapasok, para daw hindi masira yung mga libro nila. Mas maganda dito kaysa sa school library naming kulang kulang ang mga references na libro.

Makapagbasa na nga lang ng kung anong novel dito.

Harry Potter

Twilight

Hunger Games

To Kill a Mocking Bird

Ay pucha! Walang maganda ><

Ayuuun may nakita ako. Medyo makapal at luma na ding libro.

“Fantasies in Love”

(a/n walang ganyang libro imbento ko lang yan. Hehehehe (^___^)V)

 mahinang pagkabasa ko sa title. Binasa ko yung likod. Parang pang gay kung babasahin ng isang lalaking katulad ko. Bahala na.

Umupo na ako at nagsimulang magbasa kaso sa pagbabasa ko may nakita akong isang babaeng napaka familiar.

She’s Beautiful

She has a Long, Black and Straight Hair.

She has a small and fine nose (ang hirap idescribe -__- )

She has kissable lips.

 And has a white complexion.

I think she didn’t notice me because she’s wearing a blue earplug.

Naalala ko na! Sya yung binangsagan saming “PURE ISNABERA”

Maganda talaga sya hindi lang sya pala-ayos. Balita ko sa kanya maraming nanliligaw pero ni isa wala syang ineentertain. At wala din syang kinakausap sa school kung mayroon man yung mga kaibigan nya lang. Isnabera nga talaga sya. 4th year na din sya ka year ko lang pala sya.

Ang alam ko mayaman ‘to, sya din ang nagmamanage ng coffee shop nila ngayon ko lang din nalaman na mahilig pala syang magbasa, tas mayroon pa syang tatlong kaibigan. Si Bangs na Pure Bratinella na may ari ng school namin, Si Sara na Pure Laitera na kala mo kagandahan, Si Bella na Pure Maldita na balita ko na dating Gangster.

Bakit ko alam? Sikat sila kaya alam ko.

Nagpatuloy akong magbasa.

Nakakatawa ‘tong isang fantasy. Sa library daw nya nakita yung mahal nya dahil sa isang libro. Nag iwan ng note yung babae sa isang page as bookmark para maalala daw nya pero may nakalagay dun “Hi if you are reading this book, kindly don’t removed this mark. Thanks. –Ms”. Ang weird. Then nung bumalik na sya para basahin yung libro may nakita din syang isang sticky note at nakalagay dun. “Hi! Did you enjoying reading this book? –Mr.” Nagulat yung babae sa nakita nya.

Nung ililipat ko na yung page, may note din?

“Ang korni naman. Well I guess, I’ll continue reading this when I’m not bored-Ms. Terious”

Sa tingin ko babae ang nagsulat kasi maganda ang sulat. Bihira lang sa mga lalaki na katulad ko ang magbabasa ng librong ganito.

Magreply kaya ako? Pero bago ako magsulat may naka pukaw ng atensyon ko.

My Girl: Ms. TeriousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon