Five

26 9 0
                                    

Ha Ri's P.O.V

Monday na at medyo busy sa trabaho at studies. Club day ngayon kaya iwas muna sa pagaayos sa gymnasium.

"Anong club sasalihan nyo?" Tanong ni Hyuk

Andito kami sa Canteen kumakain habang hinihintay ang announcement na pwede nang pumunta sa room ng mga pagpipilian ng clubs.

"Baseball siguro?" - Wonwoo

"Ikaw?" tanong sa akin ni Hyuk

"Dance Troupe" sagot ko sa tanong nya

"Parehas tayo!!" sigaw ni Hoshi

Minsan talaga sumusobra ang ingay nito hayss. Tumayo ako para ilagay ang tray at pinagkainan ko doon sa may Dispensers.

"Good Afternoon Students, please proceed to your club right now" announce sa speaker kaya tumayo na kami at pumunta sa respective rooms ng clubs.

Sabay kami ni Hoshi since kaming dalawa lang ang magkasama sa tropa. Si Wonwoo at Hyuk at parehas Baseball ang pinili.

Pagkarating namin doon konti palang ang tao.

"Good Afternoon po😊" parehas naming bati ni Hoshi sa mga seniors.

They told us na umupo muna sa isa sa mga mats doon sa sahig.

Maya maya dumating na ang iba at konti lang ang sumali ngayon. Maybe too focus on their studies or nabalitaan nilang mahirap ang mga gagawin kapag sumali dito.

"Hello I'm Lee Jae Hyun Welcome to Elite Bandits" sabi nya at nagpalakpakan kami.

"Siguro alam nyo namang malapit na ang aquiantance and competitions and our group is one of the cheering squads so hindi na tayo magpapatumpik tumpik pa. We need to rehearse kasi malapit na ang competition so cooperation na lang muna" sabi nung isa sa seniors na andoon.

First day na first day palang practice na kaagad?!

Well okay naman sya, madali lang at mabilis lang makuha ang steps so hindi kami mahihirapan.

"Okay thats it for today. Hope you enjoy!" ayun na its dismissal time for the clubs already.

"Oh isasali namin kayo sa gc mamaya. At may isesend si Captain na sasayawin natin please practice it. Since sa Saturday pa tayo magkikita kita kailangan magadvance study para makahabol kayo. Goodluck!" sabi nung babae na isa sa seniors.

Bumalik na kami sa room pagkatapos nun dahil may klase pa kami.

Andoon na sila Wonwoo pagkabalik namin sa room.

"Musta? Anong ginawa nyo?" tanong nya pagkaupo ko sa upuan ko.

"So first day palang practice na para daw sa competition. Kakapagod sobra 😭" ngawa ko.

"Sa amin wala 😝 hindi naman daw kami kasali sa compe kaya chill chill muna" pangaasar nya.

Hindi ko na sya naasar dahil dumating na ang teacher namin sa risk, reduction.

"Ms Shin would you explain what is this?" tinawag ako nung teacher at may tinuro sa board. Woo! Buti nalang nakikinig ako.

"Its a risk reduction cycle ma'am" sagot ko sa tanong nya at may mga tinanong pa sya na nasagot ko naman.

*knock* *knock*

Habang nagkakaklase kami may kumatok sa pintuan at binuksan ng teacher yun.

"Mr Jeon and Ms Shin please proceed sa gymnasium daw and bring your things. Both of you are excused you may go" sabi ni ma'am kaya tumayo na kami ni Wonwoo at sumama sa president ng marketing.

MY  BESTFRIEND [SEVENTEEN FANFICTION]Where stories live. Discover now