Three

31 11 0
                                    

"Ha Ri-ahh wake up" narinig kong sabi ni ate

"10 minutes please..." at nagtalukbong

"May naghihintay sayo sa baba" sabi nya kaya napa mulat ako ng mata ko

"Sino?" inaantok kong sabi

"Wonwoo daw" at lumabas na sya

"Wonwoo....." sabi ko

Wonwoo.....

Wonwoo....

WONWOO?!!

"Ate! Wait!" Pigil ko sa kanya bago sya makalabas ng kwarto ko.

Hinila ko sya ulit papasok at mabilisang sinarado ang pintuan.

"Bakit daw sya andito?" kinakabahan kong tanong at kumuha ng damit ko.

"Hindi ko alam" sagot nya

"Sino kasama nya sa baba?" tanong ko

"Wala. Umalis si Mama pumuntang palengke. Mag ayos ka na nakakahiya sa bisita mo" sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.

Pumunta ako ng cr at naligo na. Mabilis lang akong naligo at nag ayos tsaka bumaba na ako.

Pagkababa ko nakita ko si Wonwoo sa sala na nakaupo habang nagbabasa.

"Good morning" bati ko sa kanya kaya napatingin sya sa gawi ko.

"Morning" sabi nya at ngumiti sa akin.

"Kumain kana?" tanong ko sa kanya.

Ang aga pa kasi pero andito na sya. Its 5:45 am right now.

"Hindi pa" sagot nya.

"Tara sabayan mo na kami" yaya ko sa kanya at pinasunod sya sa akin sa dining table.

"Anong gusto mo?" tanong ko. I planned to eat eggs, bacon and rice ngayon hindi kasi ako kumain kagabi.

"Kahit ano nalang" sabi nya kaya nagluto na ako ng makakain.

Habang nagluluto ako bumaba na din si ate at sumabay sa amin.

"Mag jowa ba kayo?" tanong ni ate habang kumakain kami.

Biglang napaubo si Wonwoo kaya natataranta akong inabutan sya ng tubig. Agad nya namang kinuha yun mula sa kamay ko.

"ATE!" saway ko ate na mukhang balak pa atang dagdagan ang sasabihin.

"Ate Wonwoo and I are buddies okay?" explain ko sa kanya.

"Buddies lang ba talaga?" mapanghusga nyang tanong.

Hayss sabi ngang buddies lang eh. Ayaw MANIWALA!

"Yes We're just buddies lang po." sagot ni Wonwoo sa kanya.

"Eh bakit ka andito umagang umaga pa lang?" tanong ni ate sa kanya. May pagkarude ahh?

"I planned to fetch her every morning kasi baka mahirapan syang sumakay tuwing umaga. Since I saw her yesterday" sabi nya

"Taga saan ka ba?" curious na tanong ni ate sa kanya

"Dyan lang po sa corner" sabi nya at itinuro ang way.

"Ahh kaya pala" at nanahimik na si ate kaya pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Pagkatapos namin kumain naghugas na ako ng mga pinagkainan namin.

Nagsasabon ako ng mga pingga ng dumating si Wonwoo

"Oh bakit? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya

"Wala naman. I just feel bored umalis na kasi ate mo" sabi nya

MY  BESTFRIEND [SEVENTEEN FANFICTION]Where stories live. Discover now