Gabi (2)

6 0 0
                                    

Utak ay parang kaluluwang hindi matahimik
Hindi ko din alam kung bakit
Samu't-saring tinig
Nasa tuwi-tuwina'y aking naririnig

Kailan ko kaya mararanasan ang katiwasayan ng aking isipan
Kapag dinalaw na ba ni kamatayan
O kapag nilabas ko na, ang lahat ng aking nalalaman.

Takot akong magsalita
Takot akong makasakit ng iba
Takot akong sabihin sa kanila
Takot akong mawala sila.

Pusong puno ng takot
Noon pa'y gusto kong maialis
Ngunit hindi ko alam kung saan magsisimula at paano
Tatanggapin ko na lang ba to?
Na permanente na to at hindi na mababago.

Poems and Thoughts Where stories live. Discover now