Ikaw

232 12 1
                                    

Sa pagmamadali'y ikaw ay nabangga
Mga mata natin ay agad nagtama
Tunog sa dibdib ko ay 'di ko masawata
Na lalong lumala nang ngumiti ka

Ngumiti ka at humingi ng tawad
Mga salitang nais sabihin ay 'di nailahad
Hindi nakahuma at sa mga pipi ay natulad
Mahal na ba kita sa unang pagkikita agad?

Ilan munang segundo, buti hindi minuto
Ang nagdaan bago nahagilap ang dila ko
Tapos nakatulala habang nakangiti sa'yo
Ni hindi ko namalayan na wala ka na sa harap ko

O, bakit ba nagpakatanga talaga
Ano ba ang nangyari? 'Yan tuloy wala ka na
Sinuyod ang paligid at nagpalinga-linga
Umaasang makita at makausap ka pa

Ilang minuto ang nagdaan
Ako'y umupo na lang sa upuang nadaanan
Damdaming bumigat, pilit pinapagaan
Tapos ay tumayo, bumalik sa pinanggalingan

Sa dami ng tao sa loob ng mall
Imposibleng makita ka pa kahit pa kumahol
Ngunit teka, nakita ka at agad hinabol
Nilakasan ang loob kahit puso'y tila tinatambol

Sa pagnanais na makausap ka'y ako ay napasigaw
Lumingon ka't nakita ulit ang mata mong tila may ilaw
Itong puso kong sa pag-ibig ay uhaw
Nasisigurong ang nakatadhana'y walang iba kundi ikaw.

●●●◎●●●

© January 2015
J.Bree

Words of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon