Matalik

932 19 21
                                    

Pagkakakilala mo sa akin ay iba
Hilig natin ay magkapareha
Matalik na magkaibigan tayo, hindi ba?
Mula pa noong tayo ay mga bata pa

Magkasangga na mula nung umpisa
Hanggang nagdalaga at nagbinata
Nangakong walang iwanan hanggang pagtanda
Kahit magkapalit man ang ating mukha

Biglang iba na lang ang naramdaman ko
Tila nagkakagusto na ako sa'yo
Ngunit kailangan kong pigilin ito
Dahil ang alam mo ay dalaga rin ang tipo ko

Pinilit kong sumaya kahit iba ang iyong kapiling
Sa iba-ibang babae ikaw ay humaling
Sana lang maaari ako sayo'y humiling
Na sa akin ay maging iba ang iyong turing

Sa isang dalaga ako ay iyong inireto
Dahil sabi mo, para tayo ay pareho
Wala akong nagawa at tuluyang napasubo
Paano ba lahat ng ito ay aking mababago

Ilang araw ang dumaan ako'y nakipaghiwalay
Paano ba naman nireto mo ay mahalay
Kung saan-saan nakakarating ang kamay
Akala yata madali akong bumigay

Pinagtawanan mo lang ang sa aki'y nangyari
Sinabi kong hindi na ulit iyon mangyayari
Akala mo ako ay talagang sawi
Kaya nag-inuman tayo at 'di umuwi

Paggising sa umaga ako'y nanghilakbot
Damdamin ko ay nabalutan ng takot
Mga damit na nakakalat ay agad hinakot
Nagmamadaling umalis pagkatapos isuot

Sa daan pauwi ay walang tigil ang iyak
Nagmamadali't mabibilis ang yapak
Nangyari'y malaking problema tiyak
Kapag nakita mo ang mga naiwang patak

Nagdaan ang linggo at ako'y nagtaka
Wala ka bang naalala sa nangyari sa ating dalawa
Bakit ilang araw hindi ka nagpakita?
Heto ako't tanga, patuloy na umaasa

Ako'y nagbihis at lumabas ng bahay
Kailangan ko na sigurong bumuo ng panibagong buhay
Puso ko'y sa iba ko na lang iaalay
Kaysa naman sa'yo na habangbuhay mahihimlay

Sa aking paglabas ikaw ay nakita
Ngiti ay nakaguhit sa maganda mong mukha
Akoy hinila at biglang inaya
Ang sabi mo sa aki'y may papakilalang dalaga

Hindi ko napigilan ang mapaluha
Ikaw ay lumingon at biglang nagtaka
Bakit ba napakamanhid mo, sinta
Ako ay dalaga at hindi binata

Luha sa mukha ko'y iyong pinahiran
Niyapos ang nanginginig kong katawan
Tapos may sinambit na hindi ko naintindihan
Sapagkat ako'y bigla mong hinalikan

Hindi nakakilos at natulala
Nakatitig lang sa mukha mong nakatawa
Walang nasabi at napasama
Sa sinasabi mong iyong ipapakilala

Ano ba talaga ang nagyayari, oh, mahal?
Hindi ako makahinga at tila nasasakal
Mga ipinapahiwatig mo ay 'di ko makalkal
Nagulat na lang tayo ay ikinakasal.

●●●◎●●●

© January 2015
J.Bree

Words of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon