Panglabing lima

10.9K 201 19
                                    


A/N : Ang una ay ang nangyari kay Ada bago ang pagpasok nila Ted at Poy sa bahay. At ang ikalawa ay ang nangyayari sa kanya sa kasalukuyan. Wala sanang malilito sa timeline ng mga events na ito :)


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -


Pagdilat ng mga mata ni Ada ay muli niyang natagpuan ang kanyang sarili na nakatayo sa sala ng isang bahay. Sa kanyang mismong harapan ay may nakasabit na limang kulay pulang mga rosas sa dingding.


Iyon lagi ang bungad ng kanyang panaginip.


Paulit-ulit.


Halos makabisado na niya ang bawat detalye ng panaginip na iyon.


Katulad ng mangyayari, kapag hahawakan na niya ang mga bulaklak. Makakarinig siya ng nakakakilabot na ingay na dulot ng magkasabay na paghila ng isang yero at pag-angil ng isang malaking pusa. Ang susunod na mangyayari ay ang mga kalabog na manggagaling sa itaas ng bahay. At ang huli ay ang pagsigaw ng isang babae ng,


"BEN! CARMELA! Bakit? Bakit niyo nagawa sa akin ang bagay na ito? Bakit?"


Hahanapin niya ang pinanggagalingan ng ingay at pupuntahan niya ang kwarto kung saan sumisigaw ang babae. Patuloy itong sisigaw ng mga masasakit na mga salita at tanong sa mga pangalang Ben at Carmela. Kapag bubuksan na niya ang pintuan ay wala siyang makikita kundi isang kabaong..


Maliit na kabaong.


Pagkatapos ay magigising na siya na basang basa ng pawis sakto alas-dose ng madaling araw.


"Hayss."


Iyon at iyon lang ang mangyayari kaya sinimulan na niyang hawakan ang mga bulaklak para matapos na ito. Ngunit ang inaasahan niyang pag-iingay na dulot ng paghila ng yero at pag-angil ng pusa at hindi niya narinig. Lumingon lingon siya saka hinintay ang pagsigaw ng isang babae.


Wala.


Wala siyang kahit anong naririnig. Tila nga ba't iba ang panaginip niyang iyon sa mga nauna pa. Kakaiba rin ang katahimikan ngayong gabi.


"Nakapagtataka"


"Ada.." Napalingon siya sa tumawag sa kanya. Isang matandang may malaking hiwa sa mukha ang nakalingunan niya. Mataman itong nakatingin at nakangiting lumapit sa kanya. Napapitlag pa siya nang hawakan siya nito.


Sobrang lamig ng kamay nito.


"Sino ka?"


Kasabay ng pagngiti nito ay narinig niyang muli ang kanina niya pa hinihintay na sigaw ng isang babae.


"BEN! CARMELA! Bakit? Bakit niyo nagawa sa akin ang bagay na ito? Bakit?"


BAGONG BAHAY ni MARIA - EDITING!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon