Special Chapter

8 0 0
                                    

Third Person POV

"Dad, tara naaa!"

"Wait lang, Yuna. Kunin ko lang sumbrero ko."

"Huwag na! Baka andun na silaaa."

Hinila ni Yuna ang kaniyang papa at ginaya sa kanilang sasakyan. Napangiti nalang si Vester at nagpahila ito.

Sumakay na ang mag-ama at pinaandar ni Vester ang sasakyan. Lumapad ang ngiti ni Yuna habang inaalala kung saan sila tutungo ngayon.

Bzzzzz! Bzzzzz!

"Hello?" tanong ni Yuna sa tumawag na unknown caller.

"Magandang umaga, iha. Ako 'to. Si Adelia, ang kasambahay ni Danica."

"Magandang umaga rin po, manang Adelia. Bakit ho kayo napatawag?"

"Libre ba kayo sa Sabado?"

"Opo, wala po kaming klase. Bakit po?"

"Kaarawan kasi ni Danica. Nais ko lang kayong imbitahan."

"Ahh ganun po ba. Sige po."

"Imbitahan mo na rin sila Cullen, iha. Siguradong matutuwa si Danica. Pati na rin sila Detective Pablo."

"Sige po. Susubukan ko po."

"Maraming salamat, iha. Aabangan ko ang pagdating niyo sa Sabado."

"Alas siyete pa lamang, Yuna. Siguradong wala pa ang apat na 'yun," sabi ni Vester habang humihikab.

Alas singko pa lamang ay ginising na ni Yuna ang kaniyang papa upang maghanda na sila kaya't kanina pa nagrereklamo si Vester dahil masyado itong maaga at madaling araw na siyang nakatulog kagabi dahil nag-over time ito sa trabaho.

"Opo. Siguradong wala pa po si Kenji pero baka nandun na sila Principal De Dios."

"Hay nako, Yuna. Ngayon ka lang ba dumalo ng isang pagtitipon?"

"Opo, hindi niyo po ako pinapayagan noon eh," mabilis na sagot ni Yuna sa kaniyang ama.

Umubo si Vester dahil sa sinabi ni Yuna. Aminado ito na masyado siyang naging strikto dahil sa nangyaring pandudukot kila Yuna at sa ina nito. Takot itong baka maulit na naman ang nangyari noon.

Makalipas ang halos tatlumpong minuto na biyahe, nakarating na rin sila. May isang malaking mesang gawa sa kahoy ang nakapwesto sa labas ng bahay at ito'y napapatungan ng puting kumot. Imbes naman na monoblock chairs, mga upuang gawa sa pinutol na mga punong-kahoy ang nakakalat sa paligid.

Payapa ang kapaligiran. Mga huni lang ng ibon at tunog ng mga punong sumasayaw sa himig ng hangin ang maririnig.

Napapikit si Yuna at dinama ang sariwang hangin.

"Sabi ko sayo eh. Wala pa sila," nakangiting reklamo ni Vester. Pagkasabi niya nun, lumabas ang isang lalaking buhat-buhat ang ilang kahoy na panggatong.

"Sabi ko po sayo dad eh. Meron na sila," sagot naman ni Yuna at mahinang tumawa. Napakamot naman sa batok si Vester.

Tumungo si Yuna sa loob ng bahay habang si Vester naman ay lumapit kay Pablo.

"Magandang umaga. Ang aga mo naman ata, Pablo."

"Magandang umaga rin sayo, Vester. Mag-isa kasi ni manang Adelia rito. Kaya sinong magbubuhat ng mga 'to," sabi nito sabay kumpas ng kamay niya sa mga mesa at upuang punong-kahoy.

Nahiya naman si Vester sa sinabi nito. Maya-maya lumiwanag ang mukha nito.

"Pablo, maiwan muna kita. Tutulong lang ako sa kusina."

ForeseenWhere stories live. Discover now