Chapter 9: Deirdre of the Sorrows

3 1 0
                                    

Once upon a time, the one and only princess of a dark kingdom fell in love with a good leader of one of the towns of their neighboring kingdom. Unfortunately, she's carrying a heavy load that led to her death, leaving her lover alone and grieving. The end.

That's one of the most sorrowful and worst love stories I've ever heard.

I gaped at the revelation presented before us. Cullen's eyes widened and his jaw dropped. Even Kenji's surprised.

"Bakit ngayon niyo lang sinabi?" may halong galit na tanong ni Cullen at tumayo ito. I'm thinking the same. Why tell him just now?

"Nalaman lang din namin kahapon noong nasa tahanan tayo nila Mallory. One of our subordinates called us and informed us about that news ngunit hindi kami nakahanap ng tamang tiyempo para ipaalam sa iyo lalo na't tuloy-tuloy ang imbestigasyon. Kaya't sa tingin namin ay ngayon ang tamang oras upang ipaalam namin ito," mahabang paliwanag ni Detective Pablo. Kahit papaano'y medyo huminahon si Cullen nang marinig ang paliwanag nila.

Napansin kong kumunot ang noo ni Cullen. Ang kaninang gulat at galit na ekspresiyon nito'y napalitan ng pagtataka. Bakit? Hindi ba siya naniniwala?

"Paano?" mahinang bulong nito habang nakatingin sa baba. 'Paano'?

Napatingin ako kay papa nang bigla itong magsalita, "What shall we do with the child?"

Cullen fixed his gaze on my father. "What do you mean?" he asked puzzled. My dad returned Cullen's gaze with the same expression. "You're the father. You decide what will happen to your child's body."

"But we never did that 'thing'. We're too young and I respect her as my woman," nagtatakang tugon ni Cullen. Then how come Mallory's pregnant?!

"Are you sure about the results? Something might have gone wrong," nagmamakaawang tanong ni Cullen. Mukhang hindi niya matanggap ang balitang iyon.

"The result is authentic, Cullen. It's real. If your not the father, then who?" nalilitong tanong ni Detective Pablo.

Napansin kong nagtutubig ang mga mata ni Cullen. Umiling-iling siya sa katanungan ni Detective Pablo. "I don't know..." mahinang sambit nito habang nakatingin sa baba.

"Did she cheat on me?" mahinang tanong nito sa kaniyang sarili. He looks so hurt and confused. I saw a tear fell on the floor.

I saw Kenji in my peripheral vision that he walked towards his brother. He hugged him and patted his back. Mas lalo pang umiyak si Cullen dahil dun.

Pinanood ko lang sila. Siya ang pangalawang lalaking nakitang kong umiyak aside from my father. They both lost a woman dear in their hearts.

Tahimik lang naming pinanood ang paghihinagpis niya. Ramdam ko ang mabigat na atmospera. Naramdaman ko rin ang pagkirot ng dibdib ko dahil sa nasasaksihan ko.

Hinintay muna naming huminahon si Cullen. Maya-maya'y kumalas ito sa yakap ng kaniyang kapatid. Kakausapin sana namin siya nang magpaalam itong lumabas muna.

"Magpapahangin lang ako."

'Yun ang sinabi niya bago tuluyang lumabas. Hinayaan na lang namin siya. He needs space.

After Cullen exited, no one dared to talk. Katahimikan pa rin ang namayani. Ngunit nang may naalala ako, ako ang bumasag dito.

"Ilang linggo na siyang buntis?" tanong ko. Gusto ko lang kumpirmahin kong parehas ang petsa.

Napatingin silang lahat sakin nang magtanong ako. "Three weeks."

"Isang beses lang. Nang bumisita siya rito, halata ang hindi pagka-ginoo nito. Hindi ko alam kung anong nangyari noong oras na iyon sapagkat pumunta muna ako sa bayan upang mamalengke ngunit nang umalis ang lalaki, natagpuan kong umiiyak si Danica dito sa kaniyang silid. Magulo ito at nakakalat ang iba't iba niyang kagamitan at pati ang kama niya'y nagulo rin. Matapos ang nangyari noong araw na iyon, madalas kong napapansin na parang wala ito sa kaniyang sarili," galit na sabi nito.

ForeseenWhere stories live. Discover now