Chapter 1

236K 4K 609
                                    

M A J O R  R E V I S I O N

--

Philippines..

James POV

Philippines. Ang lugar saan naiwan ang puso ko. Puso kong namatay dahil sa babaeng mahal ko. Marami akong karanasan sa bansang ito. Nagkaroon ako ng kaibigan, nakasama ko ang mga half-siblings ko, at dito, nakilala ko ang babaeng minahal ko at lalo pang minamahal. 

I was hurt. Damn hurt. Hindi ko in-expect na iiwan niya ako. Yesterday, we're laughing with each other but now she's gone. Ang pait lang. I used to be jolly. Masayahin akong tao. Maloko at mabiro pero yung mga attitudes kong 'yun, nawalang parang bula. Parang nawalan ako ng ng buhay kasabay nang pagkawala ng babaeng tinuturing ko ng buhay ko. 

Fvck! College student palang ako. Sa totoo lang, wala pa akong maipagmamalaki pero handa na akong magka-pamilya sa KANYA. Pero iniwan niya ako. Biglaan ang lahat kaya hindi ko alam ang gagawin ko. 

Ngayon, dalawang taon ang lumipas. Dalawang taon ang ginugol ko sa Korea kasama ang Mama ko. Pati na si Ynna na nariyan sa tabi ko bilang kaibigan ko. Nagpatuloy siya nag pag-aaral doon kaya tapos na siya. Pero ako? Damn. Kahit pumasok ako sa school, nawawalan ako ng gana that's why I decided to stop. Hindi nalang ako nag-aral at nagpakalulong sa alak at kung saan saan pa. Hindi ko alam kung paano ako naka-survive ng dalawang taon. Hanggang ngayon, di pa din ako nakaka-move-on sa pagkamatay NIYA. At kailanman, di ko matanggap na talagang wala na SIYA. 

"Hey." 

Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Ynna. Nandito na kami sa arrival area. Kararating lang namin dito sa Pilipinas. At alam ko, susunduin ako nina Bro at bubwit. 

"We're finally here." Sabi ko. 

"James, alam kong hanggang ngayon hindi ka pa rin nakakalimot. I mean, hindi mo pa rin tanggap ang pangyayari. Pero 'wag mo namang sirain ang buhay mo. Sa tingin mo ba matutuwa si Mandy na nagkakaganyan ka? Hindi."

Ngumiti ako. Si Ynna, lagi syang nariyan para sa'ken. I'm aware with her feelings towards me. But that was before. Ngayon iba na. May iba na siyang mahal at kaibigan na lang ang turing niya sa'ken. I can say that we're really close to each other pero hanggang do'n nalang 'yun. She's moved on. And I love someone else. And that someone else is Mandy Aguilar--my forever love. 

"Oh! Look, James. Sila na 'yun."

Tumingin ako sa tinuro ni Ynna. And I saw my little half-sister, Fancy Jewel Abellano. She's holding a placard, saying WELCOME BACK PATRICK! YOU OWE ME TWO YEARS OF SHOPPING!

Napailing nalang ako at napangiti sa inasal ng kapatid ko. Ganyan na talaga siya. Malokong bata. Nakuha niya sa'ken ang pagiging maloko at masiyahin niya. But I don't think if I can still be the original James Patrick Abellano. My other half was gone. How can I live normal? How..

"Patrick! You make basa naman my placard! Be ready, credit card baby!" Tuwang tuwang sabi ni Fancy saka yumakap sa'ken. "Na-miss kita Patrick." Seryoso nyang sabi. 

Devil Beside Me 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon