Chapter 2

145K 3.4K 347
                                    

James POV

“Bro, okay lang naman na ako nalang. Kaya ko na.”

Makulit si Bro. Sinamahan pa ako dito sa SWU para mag-enroll. Di na ako bata. Tch. Katwiran niya, para mas mabilis ang process since may connection siya. Graduate na si Bro dito at nagte-train na siya sa company.

“Tch. Nandito na tayo.” Sabi niya.

Pagpasok palang namin sa main gate ay nag-tilian na ang mga estudyante. Fvck. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Napailing nalang ako. Si bro, cool pa din. Wala naman ‘yang pakialam. Suplado yan. Kay Yumiko lang ‘yan may pakialam. Tch.

Pagdating namin dito sa may SWU quadrangle ay lalong dumami ang mga babaeng nagtitilian. Lumalapit pa sila at sumisigaw ng..

“Abellano brothers!”

“Ang ga-gwapo!”

“OMG, I died!”

“Ang genesss!”

'"Pa-lahi naman!"

Lalo akong napailing. Hindi naman kami artista ni Bro. Kilala lang kami. Dahil si Bro, varsity dito dati at ako, pumasok na rin dito dati bago ako pumuntang Korea. Sinubukan naming iwasan sila pero napalibutan na kami kaya ang nangyari, naglapitan ang guard ng school at in-escort-an kami hanggang sa admission. Dinaig pa namin ang celebrity. Gano’n na ba talaga ang mga babae ngayon? Makakita lang ng gwapo..tch.

“So, Mr. James Abellano.” Sabi nung nandito sa admission pagkatapos siyang kausapin ni Bro. Iba talaga ‘pag may connection. Wala eh. Si Bro ‘yan. Si Lance Abellano na bestfriend ng may-ari ng school na’to.

Tumango ako sa babae saka ngumiti. I tried my best na hind imaging suplado. I don’t know how to bring back my old self after what happened..i don’t want to remember that.

 “Kindly fill up this form,  and then pwede ka na naming i-endorse sa klase mo.” Nakangiti pang sabi niya.

“Thanks.” Matiid kong sagot saka nag-fill-up na ng  form. SiBro, narinig kong may kausap sa phone, at base sa tono ng pananalita niya, alam ko ng si Yumiko ang kausap niya. Tch. Under.

Binalik ko ang tingin ko sa form. Ito na ba talaga? Dalawang araw palang akong nandito sa Pilipinas galing sa Korea at nag-decide na akong pumasok ulit. Gusto ko na din namang makatapos. Hindi ko pa man SIYA nakakalimutan, gusto kong hindi ko muna siya maisip at ‘yun, gagawin kong busy ang sarili ko sa pag-aaral. Kung mananatili lang ako sa mansion baka mabaliw lang ako kakaisip. Kakaisip kung paano ko ba SIYA kakalimutan. Kung paano ako magmu-move-on at  magsisimula talaga ng panibagong buhay dito sa Pilipias na wala SIYA. Damn. It’s really  hard. And it still hurts.

-

Mandy POV

What the hell! Ayoko sa lahat pahara-harang sa dinadaanan ko. Andito ako sa SWU, kapapasok ko lang. At hindi ko alam kung bakit nagkakagulo ang mga estudyante. Gusto ko maki-usyoso pero hindi naman ako chismosa, demonyita ako. At isa pa, wala akong pakialam sa nararamdaman nila. Nagpatuloy ako sa paglalakad ko kaso, muntik ng malaglag ang shoulder bag ko nang may bumangga saking babae. Nag-init bigla ang ulo ko.

Devil Beside Me 2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora