ADP 11 - Christmas

44.6K 986 38
                                    


October pa lang ay puno na ng mga Christmas decorations ang bahay nina Jelyn. This year, her sister chose the colors lilac, pink and silver. Mula sa gate hanggang sa loob ng bahay maging ang mini garden nila ay napalibutan ng mga palamuti. A sign that this Christmas would be different from the previous years that they have. And a much better way to welcome the year ahead.

Masayang-masaya ang lahat. Nagkaka-intindihan. And love will definitely fill the atmosphere. They will celebrate Chrsitmas with joyful hearts. Iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag masaya ka sa piling ng mga mahal mo sa buhay.


"Hi!"

"Hello!" came their usual greetings.

Nakangiting pinagbuksan ni Jelyn si Jake. Besperas ng Pasko pero naki-usap si Jake sa kanya na kung pwede ba siya nitong makasama kahit sandali lang. Just some alone time together. Alam kasi nitong next year na ulit sila magkikita dahil bukas ay tutungo ang pamilya nila sa Singapore. Doon sila mag-ce-celebrate ng New Year. After lunch ay dumating si Jake para sunduin siya. Sabi niya kasi ay ipapakilala niya muna ito sa daddy niya bago sila umalis.

"Come in." She led him inside their house. Nahalata niyang kabadong-kabado ito dahil ngumiti ito sa kanya nang napakahilaw.

"I'm almost fainting, you know," sabi ni Jake na ikinatawa niya.

"Relax!" Kinurot-kurot niya ito sa tigkabilang pisngi. "I know that this is gonna be tough for you. But I also know that you can pass my Dad's taste. Ang gwapo-gwapo mo kaya ngayon!" Hidi niya napigilang yakapin ito.

Yumakap naman si Jake sa kanya. "Nakakainis ka. Pwede bang mamaya ka na lang magpa-lambing? Baka makita tayo rito ng dad mong ganito. Sige ka, baka hindi tayo payagang lumabas."

Kumalas siya sa pagkakayakap. "Don't you remember? We have a lawyer here. May kakampi tayo dahil nandito si Ate."

Pagkasabi niya'y eksakto namang bumaba ang daddy niya kasama nito si Jessa. Malayo pa lang ay abot-tenga na ang ngiti ng kapatid niyang nakatingin sa kanilang dalawa ni Jake. Seryoso naman ang mukha ng daddy niya.

"Jake, this is my Dad. Doctor Jaime Delarmente." Pagpapakilala niya sa ama. "Uhm... Dad, this is Jake."

"Good afternoon po, Sir. Jan Kelvin Flores po." Inilahad ng binata ang kamay nito sa daddy niya.

Tiningnan lang 'yon ng daddy niya. "So, ikaw pala ang kinababaliwan ng anak ko?"

Uminit ang pisngi ni Jelyn. Kinababaliwan talaga? Napansin din niyang napapangiti ang Ate niyang nasa likuran ng daddy nila. Pinipigilan din nito ang pagtawa.

Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Jake nang tinanggap din sa wakas ng daddy ni Jelyn ang kamay nito. Medyo mahigpit pa ang pagkakahawak. Parang nagbabanta ng World War III.

"S-sir, ipagpapa-alam ko lang po sana kung puwede ko po bang mahiram si Jelyn kahit sandali lang?"

"Where are you two going?" tanong ng daddy niya.

"Sa bahay lang po."

"What? Ano ang gagawin ni'yo roon? No! Hindi puwede!"

"Sir, ang ibig ko pong sabihin ay ipapakilala ko po sana si Jelyn sa pamilya ko, kaya po sana sa bahay namin," magalang nitong sagot.

"Sus! 'Yon naman pala, Dad!" biglang singit ng Ate Jessa niya at saka bumiro pa, "Pagbigyan mo na, Dad. Give love on Christmas day!"

For the very first time in history ay sinubukan ni Jelyn na magpalambing sa daddy niya. She's not used in doing this. Ngayong magka-ayos na sila ay gusto niyang maramdaman din 'yon kaya sinamantala na niya ang pagkakataon. "Sige na, Dad," panimula niya. Nilapitan niya ito at niyakap. "Please... I'll be a good girl. Please, Dad, payag ka na."

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon