ADP 8 - Tears

49.6K 1.2K 63
                                    


Hindi mapakali si Jessa. Patuloy lang din ang pag-iyak niya habang nasa sala kasama si Nanay Luz na tahimik na nagdadasal. Mga ilang minuto na rin ang nakakalipas nang umalis si Jelyn. Hindi niya alam kung saan pupunta ang kapatid.

Paano na lang kung may masamang mangyari rito? Hating-gabi na at delikado na ang mga ganitong oras sa labas. Naka-gown pa naman din ito. Nagtaka siya kanina nang makita si Jelyn na naka-gown pag-uwi. Naalala niya ang mommy niya. Magkamukhang-magkamukha talaga sila nito.

Naisipan niyang tawagan si Jake at humiling ng isang pabor. Nalaman din niyang ito pala ang kasama ni Jelyn kanina. Nagulat din ito nang malaman na umalis si Jelyn at hindi niya alam kung saan pupunta.

"What? Okay po, Ate, hindi pa naman ako nakakalayo. Sige... sige po, hahanapin ko po siya! I-uuwi ko po siya ulit diyan sa inyo."

Umiiyak siya habang kinakausap si Jake. "S-salamat, Jake. Alam kong malaking pabor 'tong hinihingi ko... but please, 'wag kang titigil sa paghahanap hanggang sa makita mo siya. Please..." paki-usap niya.

Balak din sana niyang sundan ang kapatid pero pinasara at pinabantayan nang mabuti ng daddy nila ang gate ng bahay. Kahit na si Jett ay hindi nakalusot. Nag-aalala rin ito para kay Jelyn.


Biglang kinabahan si Jessa nang tumawag pabalik si Jake. Nabitawan niya ang kanyang cellphone nang marinig ang mga sinabi nito.

"'Nak, bakit? Ano na'ng balita?" natatarantang tanong ni Nanay Luz na nasa tabi niya. Nakadaop ang mga palad nito at may hawak-hawak na rosaryo.

Ilang segundo siyang hindi nakagalaw sa kinatatayuan. Hindi siya makapagsalita. Pilit pang ini-intindi ng utak niya ang nangyari. Bigla na lang siyang napasalampak sa sahig at napahagulgol.

"Diyos ko! 'Nak? Anon'ng problema?" Dinaluhan siya ni Nanay Luz sa sahig.

Ang iba pang mga katulong na natutulog na'y nabulabog at nagsilabasan sa kanilang mga silid nang bigla siyang sumigaw.

"Jett! Dad! Si Jelyn!"


***

Parang nasa karera na pinatakbo ng daddy nila ang kotse papuntang ospital. Mas mabilis pa sa eroplano dahil parang hindi na nila nararamdamang tumatakbo pa ito sa lupa. Nakita pa nila ang bakas ng aksidenteng nangyari nang mapadaan sila sa harap ng entrance ng kanilang subdivision. May mga pulis nang nandoon. Hindi maatim na tingnan ni Jessa ang dugo na nasa kalsada.

Mga hikbi lang ang s'yang bumabalot sa loob ng kotse. Magkahawak-kamay na umiiyak sina Jessa at Nanay Luz habang si Jett naman ay tulala sa front seat. Hindi rin ito makapanilwala sa sinapit ng kapatid.

Sinugod sa ospital si Jelyn dahil nabangga ito ng isang van.

Alam ni Jessa na galit ang daddy nila pero habang nasa byahe papuntang ospital ay bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. Panay ang pagmura nito sa ere at halos magiba na 'yong manebela sa lakas nang paghampas nito habang nagda-drive.


Pagkarating ng ospital ay agad silang dumiretso sa operating room. Malubha ang natamong sugat ni Jelyn. Nagkaroon ito ng major na fracture sa ulo kaya agad itong dinala sa operating room para maoperahan sa lalong madaling panahon.

Pumunta muna ang daddy nila sa opisina nito na halos katapat lang ng operating room. Paglabas nito'y nakasuot na ito ng scrub suit at surgical cap. May nakasunod na rin ditong dalawang nurse. Sinuot nito ang isang mask bago pumasok sa loob ng operating room.

A Daughter's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon