(Oneshot) "Edi i-search mo!"

78.4K 3.7K 2.5K
                                    

(Oneshot) "Edi i-search mo!"

© Filipina Wattpad 2015

Warning: For K-Poppers only (para maintindihan).

.

.

Hi.

Ako si Patricia.

2nd year highschool.

Kasalukuyang nag-iisa sa classroom.

P.E. kasi at may asthma ako kaya hindi na ako bumaba. Kaka-atake rin kasi niya last time kaya ayun.

Bale dapat baba ako. Kaya lang tinatamad ako. Hahahahaha. Wala naman akong gagawin don eh. Wala pa kasi akong crush hanggang ngayon kaya di ako interesadong maglalabas ng classroom.

â™Â« Geurae Wolf, naega Wolf, Awoo~

♫ (Ah, saranghaeyo!)

♫ Nan neukdego, neon minyeo

♫ Geurae Wolf, naega Wolf, Awoo~

♫ (Ah, saranghaeyo!)

♫ Nan neukdego, neon minyeo

At oo, nakikinig ako ng K-Pop. Yung Wolf ng EXO. Hihi. Favorite song ko siya eh. Ang bago noh? 😛

Napapasabay na nga ako sa kanta (ang gwapo kasi ng boses ni Baekhyun), kaya lang may biglang pumasok sa classroom.

Si Trevor.

"Uy nasa baba lahat," sabi ko at hininaan ang volume ng phone ko. Hahaha naka-loudspeakers eh. Nakakahiya naman di ba hahahaha! Ayos kung K-Popper din 'yung tao pero hindi kase

"Alam ko. Tinatamad lang akong mag P.E," sagot niya at umupo sa may upuan niya, which is sa may harap ko.

Woow haaa?

Ang puchang talino neto at pa-cut cut na lang!

Wala na akong masabi kaya tumahimik na lang ako.

Hahaha bale maingay talaga ako eh. Close ko nga lahat ng kaklase ko eh. Maliban sa kanya. May kakaibang hanging amihan kasi 'yang taglay.

In short: mayabang!

Oo, gwapo siya. In fact, madaming nagkaka-crush sa kanya. At aaminin ko, naging crush ko siya nung first year. Pero alam kong wala akong pag-asa. Haha! Atsaka na turn-off agad ako dahil ang yabang nga.

Well, siguro sadyang may mga taong pinalaking mayabang?

Nilakasan ko na lang 'yung volume nung phone ko tutal parang hindi naman siya naiingayan. Haha! Atsaka patapos na nga 'yung kanta eh! Malapit na sa bridge part. Siyempre saulo ko hihi!

"Nakikinig ka na naman sa EXO na 'yan," biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Walang pakialaman bruuh!

"Naiintindihan mo ba 'yan?" tanong pa niya na nakatingin sa'kin.

"Oo naman! Alam ko kaya mga basic words!" sagot ko agad. "Atsaka may google kaya! Search mo lang eh!"

"Talaga? Alam mo?"

"Oo nga!" inis kong sagot.

Hays ingay ingay, nasa part na ng sigawan nina Chen at Baekhyun eh! Favorite part ko pa naman 'yun!!!

"Ano ba yan, parang bading naman boses niyan!" natatawa niyang sabi.

"Tse!!!"

♫ Geurae Wolf, naega Wolf, Awoo~

(Oneshot) "Edi i-search mo!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon