KABANATA 20

52 1 0
                                    

CARE

Nang makarating kami sa lugar na kanyang tinutukoy, namangha ako sa ganda ng lugar. Nasa mataas kasing lugar ang restaurant na ito at kitang-kita ang kabuuan ng siyudad na mas pinaganda pa ng mga iba't ibang ilaw. Napaka romantic ng lugar kung kaya't hindi na ako nagtataka nang makita ko na halos lahat ng mga kumakain ay may ka pares. Bigla namang may sumalubong sa aming waiter at hinatid kami sa upuan naming dalawa.

"Nagpa-reserve ka ba dito?", nagtataka kong tanong.

"Oo, kanina lang. Sinabi kasi sa akin ni Mr. Lim na masarap daw dito at maganda ang tanawin", paliwanag niya at tinanggap ang menu na ibinigay ng waiter. Dere-derecho niyang sinabi ang kanyang order at ganoon din ako at umalis na ang waiter.

Nanaig ulit ang katahimikan habang abala ang aking mata sa magandang tanawin.

"Are you okay?", maingat niyang tanong. Tumango lang ako at tipid na ngumiti sa kanya.

"Are we okay?", tanong niya ulit na siyang nakapagpanaling ng aking ulo para matingnan siya.

"Oo, naman. Bakit mo natanong?", sabi kong nanginginig ang boses dahil sa kaba. Magsasalita na sana siya pero dumating na aming pagkain at nagsimula na rin kaming kumain.

"Kanina ko pa kasi napapansin na parang mailap ka sa akin. Parang ayaw mo sa aking presensya. Kung hindi pa ako nagpapapansin sa'yo, hindi mo na siguro ako papansinin buong araw", sambit niya habang kumakain na nakatingin ng derecho sa akin.

"Sorry, Kasi... 'yong kagabi", nauutal ko pang sabi at napansin ko namang bigla siyang umupo ng maayos at ibinaba niya ang hawak na kubyertos.

"You heard it?", bulong niya at tumango-tango naman ako habang nakatitig sa aking pagkain.

"I mean it, Eona", sabi niya at napa-angat ang aking tingin sa kanyang mukha.

"Baka naguguluhan ka lang?", balik na tanong ko.

"No, I never felt this before. Ngayon lang. Sa'yo lang. I'm not obliging you to immediately like me or fall for me. Last night, I just want to say what I feel towards you. I'm not pressuring you to like me back. But can you please give me a chance to show you what I really feel?", paliwanag niya.

Hindi ako nakaimik agad. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isasagot sa kanyang tanong.

Siguro, it is time to give him a chance. Ilang araw na rin kaming magkasama sa trabaho at napatunayan ko namang mabuti siyang tao.

Tumango naman ako ng dahan-dahan ngunit may tanong na bumabagabag sa aking isip. So, it means, manliligaw ba siya or....?

"I know that look", puna niya at bumalik sa pagkain.

"Yes, I'm gonna court you from now on. And don't entertain other guys", sabi niya na tumatawa pa ng bahagya.

"Seryoso ka ba talaga?", hindi makapaniwalang tanong ko.

"I've never been this serious with other girls, Eona. Ikaw lang ang ginusto kong seryosohin", kaswal niyang sambit at napainom naman ako ng tubig dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Just let me show you what I feel and don't hesitate to call me whenever you need me", pakiusap niya at isang tango muli ang aking sagot.

"I want you to know better and I hope you want me to know also", dagdag niya pa.

"Honestly, I am comfortable when I'm with you. Hindi ko lang talaga alam how will I act in front of you after hearing your confession last night kaya mas pinili ko na lamang na manahimik. Napapansin ko rin namang parang iba ang pakikitungo mo sa akin these past few days pero hindi ko na lang iyon pinansin at mas piniling huwag na lang punahin kung paano mo ako tratuhin. Actually, napapansin na sa opisina na parang may something tayong dalawa. Sa dalas ba namang makita ka nila doon na sinusundo at hinahatid ako", sabi ko na tumatawa pa sa huling bahagi ng aking sinabi at tiningnan ko naman siyang muli na seryosong nakatingin sa akin.

"Buti pa sila, nakaramdam. Ikaw, hindi hahaha", aniya na natatawa.

"Sa totoo lang, I treat you as my best friend pero yung mas malalim pa roon ay hindi ko pa sigurado. Basta ngayon, sigurado akong when I'm with you, I feel safe and happy", pag-amin ko.

"Don't rush what you feel for me. Hihintayin naman kita hanggang sa pareho na tayo ng nararamdaman", paninigurado niya.

"What about your family? Baka against sila kapag nalaman nila ang tungkol dito?", nangangamba kong tanong.

"No, don't think about them. Alam ko namang magugustuhan ka nila for me", confident niya pang sabi at inirapan siya na naging dahilan ng kanyang halakhak.

"Nakakaintimidate kaya ang family mo. Sa daddy mo pa nga lang, nangatog na ang tuhod ko sa kaba", reklamo ko.

"You'll gonna love them kapag nakilala mo na sila. Don't worry, I will introduce you to them when the right time comes", usal niya at nagpatuloy na kaming dalawa sa aming pagkain.

Nagkuwentuhan naman kami ng mga ilang nangyari sa aming kolehiyo ngunit hindi ko sinabi sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa amin ni Thea. Ibinahagi ko lang sa kanya ang aking mga naranasan noong internship at ganoon din siya. Nagtatawanan pa kaming dalawa dahil sa mga kalokohang nagawa niya kanyang kaklase.

Nang mag-aalas siyete na ng gabi, nakapag desisyon na kami na umalis na sa restaurant. Binayaran niya naman ang bill namin sa restaurant na iyon kahit na nagpupumilit ako na hati kami sa bayad. Nang pareho na kaming nasa loob ng sasakyan, bigla niyang hinawakan ang aking kamay at inilagay sa kaniyang labi.

"Thank You", sabi niya at marahang hinahalikan ang likod ng aking kamay.

"Just please don't break my heart, Aki. Kahit na hindi pa ako sigurado sa kung ano man ang nararamdaman ko sa'yo, please understand me. Takot din kasi akong magmahal ulit dahil sa nangyari sa akin and I don't want to feel that kind of pain again. Please, if ever you're tired of me and you want to leave, just tell me immediately and promise hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa'yo", mahinang sabi ko na nakatingin ng derecho sa kaniyang mga mata.

"It's better to break me with the truth than keeping me with lies", dagdag ko pa at nanunubig na aking mga mata.

He caressed my face at ipinalis niya ang luhang kumawala sa aking mga mata.

"I'm not planning to break you or break up with you if ever we will be together. Don't worry, I will treat you as a fragile one that I'm willing to take care of you as long as I'm here", sinserong sambit niya at hinalikan ang aking noo.

Umayos naman ako ng aking upo at inayos ang sarili habang siya'y nakatingin sa akin. Nang masiguradong okay na ako ay pinaandar niya na ang sasakyan. Palabas pa lang kami ng parking space ng restaurant nang biglang lumikha ng ingay ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito mula sa dashboard ng kanyang sasakyan at sinagot ang tawag.

"Thea?", tanong niya habang nagmamaneho ang isang kamay.

"Wait. What? Okay. Papunta na ako", nangangamba niyang salita at biglang lumiko. Nagtataka naman ako dahil hindi ito ang daan pabalik, tatanungin ko na sana si Aki nang bigla siyang umimik.

"We will go right now sa bahay. Nandon si Thea, may problema ata at sabi niya she needs me right now. Okay lang ba?", sabi niya habang hinihilot ang kanyang sentido at tiningnan ako.

"Ha? Wala akong dalang damit at..."

"Don't worry, may mga extrang damit sa bahay na hindi pa nagagamit at ako na ang bahalang ipaalam ka kay ninong kung bakit absent ka bukas. Okay lang ba?", tanong niya muli at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Tumango na lamang ako at hinawakan ang kaniyang kamay na siyang nakapagpakalma sa kanya.

Across My ChoiceWhere stories live. Discover now