CHAPTER 14

1.8K 60 0
                                    

Lara Leigh

"Take your dirty hands away from her."

Tumawa ang dalawang lalaki pero binitawan rin ako ng isa. May humawak sa magkabilang balikat ko at tinulungan akong tumayo. Ni head to foot niya ako at pinapunta sa likod niya pagkatapos.

"What right do you two have to hurt her?" kalmado ngunit sa galit na tonong tanong ni Mr. Khan.

"Englishero pala puta! Mapapalaban tayo dito, brad!" Natatawang saad ng isa.

"Kaya natin 'yan! Tapang 'kala mo kung sino, e," sinamaan ko ng tingin ang nagsalita.

Narinig ko ang matunog na pag-ngisi ni Sir. Napalunok ako. These guys are in trouble.

"Do you know who I am, morons?"

Tumingin ako sa paligid para manghingi ng tulong pero bakit walang mga tao? Gano'n ba kalayo nalakad ko?

"Paki namin kung sino ka? Gusto namin 'yang babae. Kaya kung ako sa 'yo, umalis ka nalang."

Hinawakan ko sa braso si Sir ng akmang sasapakin niya na ang lalaking nagsalita. Tumingin siya sa akin at agad nanlambot ang tingin.

"I'm sorry..." Marahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya at mabilis na sinapak ang dalawa. Napaupo ang mga ito. "Do you think I'm that dumb to leave my girl alone?"

My Girl? What does that mean? My girl secretary?

Nanlaki ang mga mata ko ng masapak din si Sir. Agad akong lumapit sa kanila at hinila siya palayo.

"Tama na. Umalis nalang po kayo para matapos na. Naiinis ako sa ginawa niyo sa akin, oo, lalo na dahil kayo pa ang matapang! Hindi niyo kilala 'to kaya please, tumigil nalang kayo." Hahawakan na dapat ako ng lalaki ng iharang ni Sir ang braso niya sa tapat ko. Natuwa ang puso ko sa simpleng bagay na 'yon.

"Alam mo, Miss, maganda ka, e. Alam ko namang gwapo 'yan pero, mayabang 'yan. Maniwala ka sa akin---"

"Pwede bang umalis nalang kayo? Dami pang sinasabi, wala namang kwenta!" Pasigaw kong saad.

Magsasalita pa sana sila ng sabay namin silang inambahan ni Sir. Umalis na rin sila. Hay! Buti naman.

"Ayos ka lang--- Hala! Dumudugo labi niyo." Gulat kong sabi sa kaniya pagkalingon ko. Hinawakan ko siya sa wrist at pinaupo siya sa sementong upuan. "Masakit ba?" tanong ko.

"Hindi naman. Ikaw? Are you okay?"

Kumunot ang noo ko. Naiinis ako! Bakit kasi kailangan niya pang makipag-sapakan sa mga ngayon? Ayan tuloy may sugat s'ya sa labi!

"Okay lang, po,"

"I'm sorry. I left earlier to go to the comfort room." Yumuko siya pero hinawakan ko siya sa baba at pinatingin sa akin. Tinignan ko ang sugat niya. Hindi naman gano'n kalala.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at marahan 'yong pinunasan.

"Ouch,"

Naangat ko ang tingin ko sa mata niya ng umaray siya. Dahil doon ay nagtama ang mga mata namin.

Loving The C.E.O. Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin