Chap 7

11 3 0
                                    



Isaac's pov

Kagaya kahapon hindi na naman sumabay sa akin si cass, pag dating ko nga sa kanila sabi ni tita naka alis na daw, sinundo na naman ng joshuang epal!

Hindi naman sumabay sa akin si chared dahil sinundo ni ralph!

-

Pagkapasok ko sa gate ng school may nagbigay sa akin ng envelope? Luh, sino kayang may birthday? Hindi ko na nakita kung sinong nag bigay bigla nalang tumakbo.Itinago ko nalang sa bag , mamaya ko nalang babasahin.

Naglalakad na ako papunta sa room naka salubong ko naman si joshua! Jusko lord bat naman kung kelan ayos ang mood ko saka ko makakasalubong tong bwesit nato.

Sama pa ng tingin sa akin di ko naman inaano!

Naglakad nalang ako papuntang bahala siya dun.

-

"Dude di mo ba nabalitaan?"

"Ang alin, di ako nanonood ng balita di ko alam, ano ba yun??"abnormal ata tong si andrei bigla nalang tumatawa!

"Dude basted si joshua kay cassy!!" Nag liwanag mundo ko dun ah! Si cass binasted si joshua HAHHA kaya pala masama tingin sa akin pero wait? Bakit sa akin siya magagalit ako ba bumasted sa kanya.

"Bro matakot ka na baka ikaw naman sunod na mabasted"

"Alam mo dude panira ka!" Ako akmang babatukan siya pero pumasok ang guro namin kaya naman natigil! Sayang mamaya ko nalang itutuloy.

-

Nag aya yung dalawa na pumuntang cafeteria pero hindi naman ako gutom kaya nag paiwan nalang ako, hmp binuksan ko na din yung envelope pero ang nakalagay lang ay "punta kang gate 1 pag nag lunch" psh ano naman gagawin ko sa gate na yun? Magtitingin ng id?

Tinago ko na ang letter at nag basa nalang.

-

Dumating na ang mga kaklase ko dahil tapos na ang recess, dumating na rin si maam Dian kaya nakinig na ako, nakinig sa katabi ko rameng daldal jusko!

"Excuse me mr. amboy?" Tawag ni maam kay andrei "yes po?"

"Ano bang i chinichika mo kay isaac share naman!"

"Pinapaliwanag ko lang po yung topic niyo hehe" galing magpa lusot ng hanep.

Natapos ang subject pero wala akong naintidihan masyado akong lutang kahit nga sinasabi ng katabi ko di ko na maintindihan eh!

-

Lunch na at di maalis sa isip ko kung pupunta ba ako sa gate or hindi.Dahil na rin sa pagtataka pumunta ako hayst nagdala pa nga ako ng ballpen eh para ready baka holdaper yun! Sana nga gunting eh kaso di naman kasya sa bulsa ko.


Nag lakad na ako papuntang gate at ang nakita ko lang dun ay babaeng nakatalikod!parang pamilyar? Pag to mangkukulam tatakbo na ako sa bahay!!!

"Isaac buti naman pumunta ka" shit natigilan ako dun sa boses na yun ah, boses ni cassy?

"Ikaw ba nag papunta sa akin dito?"tanong ko sa kanya.

"Oo may gusto lang kasi akong sabihin"tumango ako senyas na tumuloy siya sa sasabihin niya "gusto ko lang sanang humingi ng sorry"

"Sorry?"

"Wala lang, para kasing may kasalanan ako dahil nalayo ka" umiling nalang ako.

"May gusto sana akong aminin eh"ako habang pinag lalaruan ang daliri.

Gaya ng ginawa ko tumango din siya senyas na tumuloy sa sinasabi.

"Gusto ko sanang kapag nalaman mo wag mag bago pagtingin mo sa akin ha? Sana walang ilangan ah, sana ganun parin sa dati"ako habang nakatingin diretso sa mata niya!!

"Matagal ko ng gustong sabihin sayo to eh kaso baka naman masyadong mabilis para sayo, kapag naman may pagkakataon nag aalinlangan naman ako"

"Natatakot akong sabihin dahil baka layuan moko, nung binibiro mo ako na ang torpe ko feel ko nun masyado akong halata  na gusto kita kaya lumalayo ako"

"Gusto moko?"tumango nalang ako.Hindi ko akalain na maamin ko yun ng tuluyan ah.Hindi ko alam na ngayon ko pala kailangang umamin.

"Noong nalaman kong nililigawan ka ni joshua sumama loob ko nun, gusto kitang sabihan na wag mo payagan si joshua pero wala naman akong karapatan" shit bat ba ang drama ko.

"Cassy can i court you?"luluhod sana ako kaso wala naman akong singsing hayst epic!

"Isaac, hindi tayo parehas ng nararamdaman" ouch! Literal na ouch "sa ngayon"sa ngayon? Anong ibig niyang sabihihin?

"A-anong ibig mong sabihin?"kunot noong tanong ko.

"Hindi tayo parehas ng nararamdaman , ikaw gusto mo ko, tapos ako gusto kita, gusto kita bilang kaibigan" jusko lord bakla na kung bakla bat ang sakit?Ayos na sana kung yung gusto kita nalang yung sinabi niya eh kaso yung kaibigan eh panira!

Eto na nga ba kinatatakutan ko eh, pero ayos na rin , atleast nasabi ko sa kanya.

"Pero kaya kitang magustuhan ng higit pa sa kaibigan"

Magustuhan ng higit sa kaibigan? Shit pero pano kung napilitan siya? pano kung na awa lang siya sakin kaya niya sinabi yun?paano kung trip niya lang yung sabihin? kung trip niya lang cguro kahit di niya na lang ako gustuhin pa balik.

"Talaga?"

Tumango nalang siya bilang sagot "pero sana kaya mong mag hintay" mag hintay lang pala eh madali lang yun!

"Oo naman"tinugunan niya naman iyon ng ngiti "so uulitin ko cass,can i court you" Tumango naman siya bilang sagot , yayakap na sana ako kaso nag bell na!

"panirang bell" sabi ko na ikinatawa ni cass "tara na?" Aya ko sa kanya.

-

"Sabay ka sa akin ah?"ako pagka dating sa pintuan ng room nila cassy.

"Cge HHAHA"kumaway nalang siya sa akin at pumasok na sa loob, bumalik na rin naman ako sa room namin!

-

"Grabe yung ngiti natin diyan ah kulang nalang malaglag ang ngipin!"si ralph

"Psh sumbong kita kay chared diyan eh!"ako HAAHHA kala mo ah may pang bawi ako sayo!

"Bat ba ang saya nito?"si andrei

Kinwento ko naman sa kanila lahat ng nangyari kanina, buti nalang talaga at absent yung teacher namin kaya sulit kwento ko.

"Sana ol dude, si kate nga ayun ma sungit pa rin"si andrei

"Bro HAHHA kay cassy ka lang pla tumitiklop ah"si ralph "tss sabihin ko kay chared wag kang sagutin"

"Walang ganyanan bro!"

-

"Cass kinakabahan ako" sabi ko sabay buntong hininga.

"Di ka nga kinabahan kanina nung sinabi mo yung sakin eh kila mom pa kaya?"siya habang pinapakalma ako, napag isipan ko kasing ipaalam na kila tita na nililigawan ko si cass.

"Tara na sa loob?" Aya ni cass.

-

"Oh Hi isaac"si tita chariz (mom ni cass)"napasyal ka?"

"H-hi po tita"

"Mom may sasabihin nga po pala si isaac"

Shet eto na yun!!Kaya mo yan isaac!!

"Tita kase ano po uhm-"



Susunod.  .   .

Pagtingin (published)Where stories live. Discover now