KABANATA 7

380 31 0
                                    

KABANATA 7

"Ang tagal mong nawala. Saan ka galing?" tanong ni Mommy pagkadating ko sa bahay.


"Naglakad-lakad lang po." Hindi ko masabi sa kanya 'yung totoo. Hindi ko pa siya matanong dahil nasa tabi niya si Enzo. Kaya ko pa namang maghintay hanggang mamaya. Kaya ko pang kimkimin 'tong nararamdaman ko.


Habang kumakain kami ng tanghalian, ang tahimik namin. Parang malaking kasalanan ang magsalita. Mabuti na lang nagsalita si Enzo. "Mommy, tomorrow's my birthday. Ano pong handa ko?"


"Anything you want. Just tell me, lulutuin namin ni Ate Rose para sa 'yo."


"Spaghetti, cake and fried chicken!"


"Copy that Sir!"


"Yey!"


"Can I invite my friends?"


"Sorry anak, pero malayo sila masyado. Hindi sila makakapunta. Hayaan mo sa next birthday mo magpa-party tayo. Invited lahat ng friends mo. Okay ba 'yun?"


"Yes Mommy."


I wished na sana kapag ako naman ang nagtanong kay Mommy, kausapin at sagutin din niya ako nang maayos tulad kay Enzo. I know hindi kasing simple ng mga tanong ni Enzo ang mga tanong na meron ako, pero kailangan ko ng sagot, kasi kung hindi, it will hunt me for the rest of my life.


Napatingin sa 'kin si Mommy. "Why Gwen? May sasabihin ka?" tanong niya. Napatitig kasi ako sa kanila ni Enzo at halata siguro sa mukha ko na may iniisip ako.


Umiling na lang ako at tinuloy ang pagkain.


"Can you help me later sa garden?"


I said yes. Pagkakataon ko na 'yun para kausapin siya.


Habang binubungkal namin sa lupa 'yung mga halamang patay at tuyo na, tinanong ako ni Mommy, "Gwen I know you to well. Is there something bothering you? Tungkol pa rin ba 'to sa kahapon?"


Bago ako magsalita, tumingin muna ako kay Ate Rose. Mukhang abala naman siya sa ginagawa niyang pagbubungkal. "Earlier when I went out, may nakausap po ako."


Hindi ko pa natatapos 'yung sasabihin ko, nagsalita na agad si Mommy. "Kung ano mang mga sinabi nila, huwag mong paniniwalaan. Kami ang pamilya mo Gwen. Bakit kailangan mo pa silang kausapin?"


"'Coz I need answers na hindi niyo maibigay."


"Wala akong dapat sabihin. Wala akong dapat ipaliwanag. Sinabi ko nang walang katotohanan 'yung mga sinasabi nila. Are my words not enough para mawala 'yang mga gumugulo sa isip mo?"


"Hindi ko po kasi maintindihan kung bakit sila galit sa 'tin. Imposibleng walang dahilan kaya ako na ang humanap ng sagot sa mga tanong ko. Mommy , sino po si Anita? Ano'ng kinamatay niya? May alam po ba kayo? May kinalaman ba si—." Hindi ko na naituloy 'yung sasabihin ko. Masakit para sa akin na kwestyunin ang sarili kong pamilya. Ang pagdudahan sila.

INANGWhere stories live. Discover now